Advertisers

Advertisers

LIES AFTER LIES

0 28

Advertisers

Ipinaliwanag ng Presidential Communications Office (PCO) ang kumakalat na video kung saan makikita ang isang indibidwal na may iniabot na bagay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nasa isang pagtitipon.

Sa video na ipinost, nanawagan ang PCO sa publiko na maging mapanuri, nilinaw na ang iniabot na bagay ay isang lapel pin na may simbolo ng kanilang politikal na partido, at ang nag-abot nito ay isang sibilyan na naghihintay na makapagpa-selfie sa Pangulo.

Sinabi ng PCO na ginagamit ng ilang indibidwal ang mga ganitong uri ng content upang magpalaganap ang maling naratibo.



Dahil umano sa pagputol at pag-blur sa video at pagbibigay ng maling konteksto, naglitawan ang samu’t saring haka-haka mula sa netizens, kabilang na ang ilang nagsabi na ang iniabot na bagay ay isang sachet na may lamang “white substance”.

Dahil dito, hinikayat ng PCO ang publiko na mag-isip, magsaliksik, alamin ang buong kuwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news.

Lie pa more Sec.Cesar Chavez.

‘Yan naman talaga ang papel mo sa gabinete ng amo mong kuwestiyonable ang pagkatao at durog na ang dignidad sa sambayanang Pilipino.

Trabaho lang Sec. Chavez sir.



Continue to defend your rotten President.

After all,dyan ka nabubuhay at sumusuweldo.

Ang masakit lang,pera ng taong bayan ang pinasasahod sayo para lamang subuan ng mga kasinungaliaan ang mamamayang Pilipino.

A clear case na ” iginigisa sa sarili naming mantika” ang buhay naming mga abang mamamayan!

Until such time na surutin ka na ng iyong konsensiya, saka mo malalaman ang kapalit ng mga ginawa mong pagpapaikot sa katotohanan.

After all, kanino ka naman magmamana kundi sa kawatan at sinungaling mong amo!

Birds of the same feather flock together!

Karma is for real!

Wag naman sana Sec.Chavez sir!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com