Advertisers

Advertisers

Grade 11 stude todas sa hazing

0 33

Advertisers

Nasawi ang isang grade 11 na estudyante nang sumailalim sa  “initiation’ rites ng isang fraternity sa Jaen, Nueva Ecija nito Linggo.

Kinilala ang biktima na si Ren Joseph Bayan y Bisorio, 18-anyos, residente ng Purok 6, Brgy. San Pablo, Jaen, Nueva Ecija.

Samantala, nakilala ang dalawa sa mga salarin na sina Baron Cabado, at Patrick Guinto, na pawang miyembro ng Tau-Gamma Phi Fraternity, ng  Brgy. San Pablo, Jaent  NE (at large) 



Sa report, 5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Brgy. San Pablo, Jaen Nueva Ecija.

Batay sa pahayag ng isang Jennifer Bayan, 28, tiyahin ng biktima na ipinagbigay alam ng kanyang pamangkin na sasailalim ito sa final hazing ng fraternity na Tau Gamma Phil gaganapin sa Brgy San Anton  San Leonardo, Nueva Ecija.

Dakong 5:00 ng hapon ng inihatid ng dalawang suspek ang biktima na walang buhay sa kanilang bahay at mabilis na umalis.

Dinala ang labi ng biktima sa Nueva Ecija Provincial Forensic Unit upang isinailalim sa autopsy  nang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang posibleng pagkakakilan ng mga salarin. (Mark Obleada)