Advertisers

Advertisers

Filipino Elderly Week” simula Oct. 1: “Wag kalimutang Sila ay laging igalang” – Mayor Honey

0 21

Advertisers

“MASKI maliliit na bagay, gawin natin para sa ating mga nanay at tatay, lolo at lola at ‘wag nating kakalimutan na sila ay laging igalang.”

Ito ang apela ni Mayor Honey Lacuna matapos pangunahan ang Lungsod ng Maynila sa pagdiriwang ng ‘Filipino Elderly Week’ simula October 1.

Sa kanyang mensahe sa regular flagraising ceremony sa City Hall, binigyang diin ni Lacuna ang kahalagahan ng mga senior citizens at nanawagan sa lahat ng Manileño na patuloy na bigyang dangal at igalang ang mga nakatatanda sa lahat ng oras.



Umapela din ang alkalde sa mga senior citizens, lalo na sa mga kabataan ngayon na tigilan na ang pag-iisip na ‘pag matanda na walang pakinabang.’

Binanggit niya ang papel na ginagampanan ng mga nakatatanda sa pamayanan bilang pinagmumulan ng katalinuhan at mas malawak na kaalaman dahil na rin sa marami nilang karanasan.

“Hindi po ko nanniwala diyan. Alam ho ninyo, napakahalaga po ng ating mga magulang, ng ating mga lolo at lola dahil sila po ang ating unang-unang sinasandalan, kung kaya’t ganun na lamang ang pagbibigay natin ng pagpapahalaga sa kanila.” Pahayag ng alkalde.

Idinagdag ni Lacuna na; “Maaring sa tingin ninyo ay maliit lang ang ating mga ginagawa, mga munting paraan para iparamdam na tayo ay nagmamahal sa kanila, pero alam n’yo, ang atin pong mga nakakatanda, itong mas maliliit na bagay ang pinahahalagahan nila. Mano ba naman na makapag-abot tayo sa kanila ng maliit na bagay.”

Higit sa lahat, sinabi na lady mayor na dapat ay laging nariyan ang dangal at respeto para sa mga nakatatanda, kahit ano pa ang mangyari.



“Patuloy dapat ang paggalang sa kanila kasi minsan, nakakalimutan natin. Sa ganoong paraan, napaparamdam natin sa kanila ang tunay na pagmamahal at pagkalinga. Sa mga nanay at tatay, lolo at lola, lagi ninyong tatandaan na ang pamahalaang-lungsod ndgd Maynila ay lagi ninyong maaasahan,” saad ni Lacuna.

Samantala ay pinasalamatan ng alkalde ang Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Elinor Jacinto sa lahat ng kanilang ginagawang pagtulong sa pamahalaang lokal sa pamamahagi ng benepisyo sa may 203,000 senior citizens sa lungsod.

Sinabi ni Jacinto na base sa atas ni Lacuna, ang mga senior citizens ay binibigyan ng importansya sa lahat ng posibleng pagkakataon.

Maliban sa monthly allowance na P500 kada buwan, ang lingguhang ‘Kalinga sa Maynila’ assistance tulad ng pagproseso ng mga IDs at booklets, centenarian cash gifts, birthday cake, ‘Pamaskong Handog’, at iba pa. (ANDI GARCIA)