Advertisers

Advertisers

PITONG TSINO NA NASABAT NG PCG, NAKA-DETINE SA BI

0 10

Advertisers

IDINETINE ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nahuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws.

Ang mga nasabing dayuhan ay kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan, Jr. na sina Kang Yinxi, Wei Jiarui, Zhuang Chugen, Guo Yibin, Lin Zongsen, Liu Xinfu at Chen Min.Ang mga nasabing dayuhan ay nasa 30-45-anyos at nasabat ng PCG habang lulan ng M/V Sangko Uno sa Navotas City Port.

Sila ay nai-turn over ng PCG sa BI at agad na ikinulong sa BI jail facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.



Ayon kay Manahan, ang mga suspek ay napatunayang iigal na nag-o-operate sa karagatan ng Pilipinas.

“These individuals were attempting to exploit our porous maritime borders. Their illegal activities have been thwarted thanks to the swift action of the PCG,” ani Manahan.

Samantala, binatikos naman ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado ang tahasang paglabag ng mga nasabing dayuhan sa immigration laws ng bansa at tiniyak nito ang mas agresibong paninindigan sa pagsugpo sa mga iligal na aktibidad ng mga dayuhan na nasa bansa.

“This operation sends a strong message: the Philippines is not a playground for illegal aliens. The BI, together with our partners like the Coast Guard, will continue to stand against foreign threats to our sovereignty,” ani Viado, kasabay ng papuri sa PCG sa pangangalaga sa mga borders ng bansa.

“The PCG’s tireless work in patrolling our seas ensures that foreign syndicates do not illegally enter our country,” ani Viado. (JERRY S. TAN)