Pagpasa ng 2025 budget ng Maynila sa MCC, hinaharang muli ng minorya
Advertisers
KASUNOD ng bigong pagtatangka ng mga miyembro ng minorya ng Manila City Council (MCC) na harangin ang pondong pantulong para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Tondo, ngayon naman ay ang pagpasa ng Manila’s 2025 budget ang kanilang hinaharang.
Pinayuhan naman ni City Administrator Bernardito Ang ang mga Konsehal na nabibilang sa minorya na “feel free to question the budget anywhere you please..”
Ikinalungkot ni Ang na sa pagtatangka ng mga nasabing konsehal na harangin ang city budget, ay hinaharang din nila ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo kabilang na ang social amelioration program na nagkakaloob ng monthly allowances para sa senior citizens, solo parents, persons, minors with disability at university students; libreng serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga residente at ang benepisyo ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ay ilan lamang sa mga gastusin na sakop ng 2025 budget.
Napuna ni Ang na nitong kamakailan lang, ang parehong grupo ay nagtangka din at nabigo sa pagharang ng isang resolusyon na kailangan para pagkalooban ng P10,000 financial assistance ang may 2,000 nawalan ng tirahan dahil sa dalawang magkahiwal na sunog sa Tondo
Ayon kay Ang, ang prosesong ginagawa ng Manila City Council sa pagpasa ng nasabing budget ay hundred percent aboveboard at alinsunod sa guidelines na ipinalabas ng Malacanang at Department of Budget and Management at ito rin ang parehong proseso na gagamitin para maipasa ang 2025 Philippine budget House of Representatives.
Binigyang diin ni city administrator Ang na ang pagpasa ng passage of the 2025 city budget ay perfectly aboveboard.
Si Ang, na kamakailan lang ay pinarangalan bilang Manila City Councilor na may pinakamahabang serbisyo at bilang kinatawan ng ikatlong distrito ay nasorpresa sa totoong motibong ng mga minority councilors sa pagtatanong kung ano ang lehitimo at legal.
Ang MCC sa ilalim ni Vice Mayor Yul Servo at sa kanyang concurrent capacity bilang Presiding Officer ay nasa session kung saan ang Committee on Appropriations sa pamumuno ni Councilor Numero ‘Uno’ Lim (2nd district) ay nag-moved para sa pagpasa ng city budget para sa first, second at third reading.
Ang minority councilors ay nagtangka na harangin ang pagpasa nito sa paggigiit na gamitin ang isang mas mahabang proseso, pero na-overruled sila ng majority.
Dahil hindi tanggap ng minorya na sila ay mabigo ay nagkaroon ng kaguluhan sa session hall. Sa gitna ng pagpapalitan ng mga salita si Councilor Fog Abante ay itinulak ni Councilor Joey Uy. Isang video footage ng nasabing insidente ang nag-circulate ngayon sa social media at ito ay naganap habang break ang session at nasa restroom naman si Servo. (ANDI GARCIA)