Advertisers

Advertisers

P1.6-M ILLEGAL SUBSTANCES NASABAT NG BOC AT PDEA SA CMEC

0 12

Advertisers

Aabot sa higit P1.6 milyon pisong halaga ng iligal na substances mula sa limang abandonadong parcel ang naharang ng Bureau of Customs at NAIA- PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ang mga naturang parcel ay nagmula sa Thailand at US na naka-consign sa limang indibidwal mula sa Angeles City Pampanga, Sultan Kudarat, Quezon City, San Miguel Bulacan at Calbayog Street sa Metro Manila.

Nadiskubre umano ng mga tauhan ng Customs at PDEA ang laman ng mga parcel nang idaan ang mga ito sa x-ray machine, matapos na idineklarang naglalaman ng mga candies, laruan, cookies, school supplies at men’s clothing.



Aabot sa 1,049 grams ng ‘kush’ o ‘high-grade marijuana’ na may standard drug price na aabot sa P1,468,600 ang nakita sa loob, habang nakasingit naman ang 11 piraso ng vape cartridge at 19 disposable vapes na may sangkap na marijuana oil.

Ang mga nasamsam na illegal na substances na may kabuuang halaga na aabot sa P1.6 milyon ay pormal nang naiturn-over ng Customs sa NAIA-PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang disposisyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)