Advertisers

Advertisers

Nurse pinatay ng selosong mister sa loob ng kotse

0 40

Advertisers

Nasawi ang isang babaeng nurse nang barilin ng mister sa loob ng kanilang sasakyan sa Dumaguete City, Negros Oriental nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Dumaguete City police ang biktima na si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36-anyos, tubong Calasiao, Pangasinan at kasalukuyang residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City.

Ayon sa report, nakasakay sa kotse ang mag-asawa 6:00 ng gabi ng magkaroon umano ng pag-aaway ang dalawa.



Sa kasagsagan ng pagsasagutan, bumunot ng baril ang 39-anyos na mister na si Ken Lloyd Kinilitan, at pinaputukan ang asawa na nakaupo sa passenger seat at tinamaan sa leeg na siyang ikinasawi nito.

Dinala pa ng mister ang kotse sa Bag-ong Taytayan, Barangay Tabuc-tubig at doon iniwan ang sasakayan sa isang tulay.
Ini-report naman ng mga nakadiskubre sa bangkay sa pulisya ang pangyayari.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek sa pinatataguan nitong bahay ng kaniyang kaibigan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pagseselos ng lalaki ang naging ugat ng krimen. Nakatakda itong sampahan ng kasong murder.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">