Advertisers
NAGTAPOS ang Para whelchair racer na si Jerrold Mangliwan sa sixth place ng men’s 100-meter T52 event sa pagtiklop ng 2024 Paris Paralympic Biyernes, Setyembre 6,sa Stade de France.
Tinawid ni Mangliwan ang guhit sa 19.44 seconds pero hindi naging sapat para makapasok sa finals.
Nangibabaw si Tomoki Sato ng Japan sa qualifiers sa oras na 17.20sec habang si Anthony Bouchard ng Canada (17.43sec) at Mexico’s Salvador Hernandez Mondragon (17.45sec) lumapag sa second at third places, ayon sa pagkakasunod.
Iba pang pambato ng Japanese Tomoya Ito (17.58sec) na booked ang kanyang finals ticket, pati ang world- rekord holder at 400m-T52 champion Maxime Carabin ng Belgium na may personal best 16.21sec, Great Britain’s Marcus Daley (16.87sec), Mexican Leonardo Juarez (17.57sec) at Tatsuya Ito (17.76sec).
Sumama si Mangliwan kina para archer Agustina Bantiloc, para swimmer Ernie Gawilan, at para taekwondo jin Allain Ganapin, na tinapos na rin ang kanilang kanya kanyang event.
Samantala, para swimmer Angel Otom sumabak katabi ang kanyang idol Lu Dong ng China sa women’s 50m butterfly-S5 heats para sa final shot at glory Biyernes,Setyembre 6, sa Paris La Defense Arena.
Para javelin thrower Cendy Asusano, sasabak sa women’s javelin throw F54 Sabado,Setyembre 7.
Nanateling mailap ang medalya para sa Team PH, huling nagwagi ng medalya ang Pilipinas noong 2016 Rio Olympics bronze kaloob ng namayapang table tennis great Josephine Medina.
Nangibabaw ang USA na humakot ng 126 medalya 40 golds,44 silvers, at 42 bronze sinundan ang China (40-27-24), Japan (20-12-13), Australia (18-19-16), host France (16-26-22).
Swak rin sa Top 10 ang Netherlands (15-7-12), Great Britain (14-22-29), South Korea (13-9-10), Italy (12-13-15) at Germany (12-13-8).