Advertisers
Tuluyan nang nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang Kalihim ng Presidential Communications Office {PCO) si Atty. Cheloy Garafil makaraan ang ilang panahong espekulasyon na bibitaw na ito bilang miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos Jr.
Papalit kay Garapil ay si Presidential Assistant for Strategic Communications Undersecretary Cesar Chavez.
Walang ibinigay na rason si Garafil sa kanyang pagbibitiw maliban sa offer umano dito ni Marcos Jr. na pamunuan ang tanggapan ng Manila Economic Cultural Office ( MECO) sa bansang Taiwan na malinaw na isang uri ng demotion at masasabing pa- consuelo de bobo ng kasalukuyan administrasyon.
Si Garafil ay nanungkulang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) noong panahon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa ating mga sources,kasama ni Garafil na lalayasan ang PCO ang kanyang buong working team ( staff) sa nasabing tanggapan makaraang ipag- utos ng Malacanang na magsumite ng courtesy resignations ang mga ito.
Si Garafil ay ilan lang sa mahaba ng listahan ng mga dating Cabinet members na nagresign sa administrasyong Marcos Jr. kabilang na sila former Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez,former National Security Advicer Clarita Carlos,dating Press Secretary Atty. Trixie Angeles- Cruz at former Dep Ed Secretary Vice President Sara Duterte.
Iisang common denominator lamang ayon pa sa ating mga sources ang dahilan ng mga nagbitiw na opisyal para lisanin ang kanilang mga opisina.
Ito ay ang umano’y direktang pakikialam at panghihimasok ni First Lady Liza Araneta Marcos sa kanilang mga hawak na tungkulin.
Sa kaso ni Garafil, batid na umano ng abogadang Kalihim ang napipintong pagkasibak nito bilang head ng PCO dahil ramdam na umano nito na ” bad shot” na ito kay FL Liza Marcos.
Ayon pa sa sources,matagal na dapat masibak si Garafil kung hindi umano sinalo ng makailang beses ni Marcos Jr. mismo.
Si Executive Secretary Lucas Bersamin ang umano’y inuutusan ni FL Liza na walisin sa poder ang mga opisyal ng gabineta na para sa kanya (Liza Marcos) ay bad shot sa kanyang panlasa.
Samantala,hindi naman nagkaroon ng katuparan ang nais at iginigiit ni First Lady Liza Marcos na ipalit sa posisyon ni Garafil bilang hepe ng PCO si former ABS CNN news anchor and host Anthony ” Ka Tuning” Taberna.
Ayon pa sa sources,ito ang naging ugat ng matindi at bayolenteng away ng mag- asawang Marcos Jr. at FL Liza na humantong sa sakitan at pisikalan.
Nagwala umano at nagpupuyos sa galit si First Lady Liza na si Cesar Chavez sa halip na si Ka Tunying ang ipuwesto sa PCO.
Hindi pa natin nakukuha ang panig o reaksyon ni Taberna tungkol sa isyung ito ngunit pinipilit natin itong makontak “to no avail”.
Malamang sa hindi ayon pa sa ating Malacanang sources,di umano tatanggapin ni Garafil ang inaalok na MECO post ng Malacanang.
Ayon pa sa ilang media personalities na close sa dating hepe PCO, di na nakayanan pa ni Atty Garafil ang matinding pressure sa araw- araw na kanyang tungkulin.
Garafil was quoted as saying sa kanyang malalapit na media friends na
“aanhin ko ang posisyong ito kung tuluyan namang masisira at mawawasak ang buo kong pagkatao at dignidad”!
Matutulad lamang umano ang dating Kalihim sa mga nagkalat na “aso” sa MALACANANG na may busal sa bibig at inuutus- utusan lamang ng taong walang mandato sa ilalim ng batas na makialam sa mga opisyal na functions ng estado.
Hindi na rin umano pa nakaya ni Garafil ang sumbat ng kanyang konsensiya.
Di na rin umano kinaya ng opisyal na sikmurain ang garapalan at mga iligal na kaganapan sa loob ng liderato ni Marcos Jr.
Ang huling susi umano sa lahat ng ito ay nang magbigay ng official statement si Marcos Jr. sa media na nagsasabing ang kapulisan na lumusob sa compound ng Kingdom Of Jesus Christ ( KOJC) sa Davao ay pawang walang mga dalang baril salungat sa katotohanang nagpapakita sa nagkalat na mga larawan at videos sa mainstream at social media.
Ito umano ay ang impormasyong ipinagkaloob ni DILG Sec.Benhur Abalos at PNP chief, General Rommel Francisco Marbil kay Pangulong Marcos Jr.
Lumalabas tuloy sa publiko na lantarang nagsisinungaling si Marcos Jr.
Bilang kanyang trabaho,hindi umano siya sinunod o sinangguni man lamang bago ang nasabing media interview.
Bitbit na umano nina Abalos at Marbil ang mga taga- media na hindi bahagi ng Malacanang Press Corps na nag- interview kay President Marcos Jr.
May kasunod…
Abangan?
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com