Advertisers
Biglang kumalat muli sa social media ang meme hinggil sa pag-boo kay Chot Reyes bilang coach ng Gilas Pilipinas taon 2023. Noon kasi nagtatalo ang pambansang koponan at sinabi ng mentor na bahagi ito ng learning curve ng team bilang excuse.
Hayun napilitan siyang magbitiw dahil sa backlash sa tinuran. Napalitan ni Coach Tim Cone, dating assistant niya sa Gilas.
Kung sabagay si Cone naman pinakakwalipikado.
Maiihahalintulad ang sitwasyon sa national scene.
Ang lakas ng loob ng mga Pinoy na batikusin ang pinuno ng Gilas pero tameme naman sa bugok ding Pangulo.
Nandoon mismo sa MOA Arena si Pepeng Kirat nang maganap ang harapang pagpapahiya kay Reyes. Malakas daw talaga ang sigaw ng tao nguni’t tahimik nang ipakilala ang Presidente na di pa tinutupad ang pangakong P20/kilo na bigas at kilalang magnanakaw ang pamilya..
Ayon kay Pepe siya lang yata nagpakita ng inis sa pinakamataas na opisyal na mula sa angkang lumimas sa kaban ng bayan. Ang taga-Malacanang ay hindi rin mapigilan ang mga kurap sa kanyang pamahalaan.
Nagtaasan din presyo ng mga pangunahing bilihin..
Bakit nga naman ganoon? Ang taas ng expectation natin sa may hawak ng PH cage squad pero wala tayong pakialam sa kalagayan ng buong bansa sa ilalim ng partikular na lider.
Why o why mga kababayan?
***
Nasa Romblon ang PBA Legends noong isang Linggo. Pumasyal sina Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Jerry Codeñera, Dindo Pumaren at Bal David para sa isang exhibition game sa bayan ng San Agustin.
Nakakatuwa na ang mga player na sumikat sa pro league noong mid 80s ay aktibo pa sa paglalaro. Kahit mga golden boy na sila ay napapanood pa rin natin sila sa game.
Sina Alvin at Jerry ay kapwa 57 años na.
Si Bal ay 52 habang si Dindo ay 58 na.
Si Allan naman ay 61 na kaya senior citizen na.
Pero kaya pa rin nila magpasaya ng mga tagahanga kahit saan sila dumayong lugar
***
Super-thrilling ang labang San Miguel vs Rain Or Shine noong Huwebes. Halos buong laro lamang ang Beermen ng 6 hanggang 12 puntos pero naitable at nakalamang pa ng 1 point ang Elasto Painters sa huling 3 segundo.
Mangyari naipasok ng rookie ni Coach Yeng Guiao na si Felix Lemitti ang 4 charities dahil sa foul mula sa bagong 4-point lane.
Mabuti pumasok ang buzzer-beater ni JuneMar Fajardo na jumpshot para sa panalo.
Isang pagkakataon na patunay na mainam ang four-point line.