Advertisers

Advertisers

2 Moro patay sa ambush sa Maguindanao del Norte

0 7

Advertisers

Nasawi ang dalawang lalaking mga Moro sa ambush sa Barangay Kurintem sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Huwebes.

Sa ulat nitong Biyernes ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Stati, ang mga napatay sa naturang ambush na sina Mheds Baman at Kusain Abdullah mga residente ng bagong tatag na Pahamuddin municipality na sakop ng Bangsamoro region.

Malayo ang bayan ng Pahamuddin sa kung saan sila napatay sa pananambang ng ilang mga armadong mga kalalakihan.



Sa report, sakay ng tricycle ang dalawa ng  pagbabarilin ng mga armado habang padaan sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Kurintem.
Ayon sa mga saksi, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Baman at Abdullah.