Advertisers
Sa pinaigting laban sa ILLEGAL DRUG OPERATIONS nitong nagdaang administrasyon ay tahasang ibinulgar ng dalawang preso o PERSONS DEPRIVE OF LIBERTY (PDL) nitong ika-2 CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARING na maging mga tinaguriang DRUG LORDS na nasa piitan ay ipinatumba.., na indikasyong si EX-PRES. RODRIGO DUTERTE ang HARI at BATAS sa kaniyang naging administrasyon noon sa ating bansa.
Tulad na lamang sa ilang mga DRUG LORD na ipinatumba sa iba’t ibang naging POLICE OPERATIONS.., na maging ang nakakulong nang mga dayuhang involved sa ILLEGAL DRUGS ay ipinapatay na bahagi siguro ng kampanya na malipol ang iba’t ibang DRUG SYNDICATE sa ating bansa
Gayunman, ang 2 PDL na naatasang magsagawa ng pamamaslang na sina LEOPOLDO TAN JR at FERNANDO MAGDADARO ay pinangakuang makalalaya ang mga ito.., subalit magpahanggang ngayon ay nananatilng nasa bilangguanpa rin ang mga ito.
Inihayag nina TAN at MAGDADARO na noong July 2016, sila ay inatasan ni SPO4 ARTHUR NARSOLIS na patayin ang 3 CHINESE DRUG LORD na nakapiit sa DAVAO PENAL COLONY (DAOECOL) sa pangakong ang mga ito ay pagkakalooban ng P1 milyon kada mapapatay nila.
Ipinunto nina TAN at MAGDADARO na Isa umanong TOP GOVERNMENT OFFICIAL ang nagnanais na mapatay ang 3 CHINESE DRUG LORDS na kalauna’y nadiskubre ng mga ito na ang KILL ORDER ay mula umano kay EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.., nang si SUPT. PADILLA ay makatanggap ng celfone call mula kay EX-PRES. DUTERTE nang maisagawa ang pamamaslang.
Narinig at nabosesan umano ni TAN na nag-congratulate si DUTERTE kay SUPT. PADILLA dahil sa pagpatay na aniya ay masyadong madugo naman ang pagkakagawa.
Magugunita na simula noong June 30, 2016 ay nagpamalas na ng kabagsikan si EX-PRES. DUTERTE sa kaniyang kampanya laban sa ILLEGAL DRUGS at bukambibig niya noon na galit siya sa DRUG LORDS, DEALERS at USERS.., kaya nga maski sa kaniyang pangangampanya noong PRESIDENTIAL CANDIDATE pa lamang siya ay nalilitanya niya ang “MY GOD, I HATE DRUGS” na aniya ay papatayin niya ang mga involved na isasagawa niya aniya ito alinsunod sa isinasaad ng ating batas.
Sa mga pagsisiwalat ng RESOURCE PERSON sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS ay masasabing ipinairal ang KAMAY NA BAKAL ni EX-PRES. DUTERTE para malipol ang talamak na ILLEGAL DEUG TRADE sa ating bansa.., na noong COVID-19 PANDEMIC ay nagpairal pa umano ng QUOTA sa mga dapat maaresto at mapatay na mga taong involved sa ILLEGAL DRUGS.., subalit magpahanggang ngayon ay talamak pa rin ang ILLEGAL DRUG TRADES sa ating bansa.
Kung makatotohanan ang kampanya ng nakaraang administrasyon ay wala na dapat pang nakapag-ooperate ng ILLEGAL DRUGS ngayon.., o baka naman kaya may katotohanan ang paratang ng ilang mga dating POLICE OFFICIAL na ang inilunsad na WAR ON DRUGS o TOKHANG ng DUTERTE ADMINISTRATION ay para sa kapakanan ng kaniyang mga TROPA upang mamonopola at mapagharian ang ILLEGAL DRUG INDUSTRY sa ating bansa?
Dapat pagpursigihan ng ating mga MAMBABATAS ang isyung ibinabato ng mga RESOURCE PERSON na ang ilang GOVERNMENT TOP OFFICIALS at ilang mga CORRUPT PHILIPPINE NATIONAL POLICE ang nagsisilbi umanong mga ILLEGAL DRUG DEALERS at nagsisilbi ring ILLEGAL DRUG PROTECTORS sa ating bansa.
Ika nga, ipairal ngayon ang “NO ONE IS ABOVE THE LAW”.., na kung may sapat na ebidensiya laban sa mga isinasangkot na TOP OFFICIALS maging PRESIDENT man ng ating bansa kung matibay ang mga ebidensiya ay dapat mapanagot sa mga naging pang-aabuso.., nang sa gayon ang mga ordinaryong tao ay huwag mawalan ng pagtitiwala sa ating JUSTICE SYSTEM!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.