Advertisers

Advertisers

Creamline vs Akari sa Finals

0 17

Advertisers

NAITAKDA ng eight -time champion Creamline ang finals appearance laban sa Akari.

Tinakasan ng Creamline ang Cignal HD, 20-25, 26-28, 25-18, 27-25, 15- 13, sa kanilang knockout semifinal match ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

Ito ang ika-12 finals appearance ng Cool Smashers puntirya ang pang-siyam na titulo.



Sasagupain ng Creamline ang Akari, pinatalsik ang PLDT, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, sa ‘winner take-all’ title match bukas sa Araneta Coliseum.

Humataw si American import Erica Staunton ng 38 points mula sa 36 attacks, isang block at isang ace sa pagpasok ng Cool Smashers sa PVL finals nang wala sina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos at Alas Pilipinas member Jema Galanza.

Nagdagdag si Bernadeth Pons ng 28 markers at may 10 points si Michele Gumabao na siyang bumida sa fifth set.

Sa unang laro, dumiretso ang Chargers sa kanilang ika-10 sunod na ratsada matapos talunin ang High Speed Hitters sa unang pagkakataon sa anim nilang pagtutuos.

Humampas si American import Oly Okaro na humataw ng 39 points mula sa 35 attacks at apat na blocks para sa kaunaunahang finals appearance ng Akari simula nang sumali sa PVL noong 2022.