Advertisers

Advertisers

IVANA NAG-DEBUT NA SA 18-M ANG YT SUBSCRIBERS; BELLE EXCITED NA SA BAGONG BAHAY

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

IPINASILIP ni Belle Mariano ang bago niyang kino-construct na bahay.
Aniya sa Instagram, “almost there.”

May frame rin siyang post na tila ang kabuuan ng tinatawag niyang home sa kanyang IG story ay full of grass ang landscaping.



Isa si Donny Pangilinan sa agad na nagkomento.
“Exciting,” ani Donny.

Maging si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ay nagsabing, “Oooooh exciting Belle!!!! Happy for you!!!!”

Nagreply ang actress/singer: “@garyvalenciano supportive as always. Thank you sir gary”

“So so happy for you,” sey naman ni Camille Prats.

Nag-umpisang i-construct ang bagong house ni Belle February 2023.



Aniya nga nang mag- groundbreaking ceremony sila, “Still pinching myself! Dreams really do come true!”

“I share this humbling moment to all of you who walked with me in this journey,” dagdag pa ni Belle.

***

MASAYANG inanunsyo ni Ivana Alawi na umabot na sa 18 million ang kanyang YouTube subscribers.

Bilang pagdiriwang, naghanda siya ng pares para sa 1800 katao na makakapunta sa kanyang selebrasyon. Namahagi rin siya ng pera sa masusuwerteng subscribers niya na naroon.

Pumalo na sa 18 million ang subscribers ni Ivana sa kanyang YT channel.

At bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, nag-ala dalagang nag-debut ang aktres dahil 18 million na ang mga sumusuporta sa kanya.

Subscriber man niya o hindi, basta’t pumunta sa Mr. Pares branch na nagpaunlak na maging bahagi ng selebrasyon ni Ivana ay makakakain.

Ang kahanga-hanga pang nagawa ni Ivana, naghanda rin siya ng pares at baka sakaling may mga customers na Muslim na dumating. Bukod dito, namigay din siya ng Php500 sa mga pumunta na naka-subscribe sa kanyang YouTube channel.

Labis ang pasasalamat ni Ivana sa patuloy na sumusuporta sa kanya kaya patuloy ang pagbabahagi niya ng mga biyaya.

***

VICE PILIT
TINATANONG ANG
CURRENT LOVE
LIFE NI KIM

INOKRAY na naman ni Vice Ganda ang kasamahang co-host sa It’s Showtime na si Kim Chiu.

Sa nakaraang episode ng noontime show, muling dinikdik ni Vice sI @chinita princess kung ano na ang current status ng kanyang love life.

Ilan buwan na rin kasing hiwalay sina Kim at Xian Lim kung saan nag split sila last December 2023 kahit na umabot sa 12 taon ang kanilang relasyon.

Magkagayunman, willing pa rin si Kim na makatrabaho ang ex gayundin naman si Xian kung magkakaroon daw ng opportunity.

May bago ng girlfriend ang actor at si Kim naman ay nali link sa kanyang ka loveteam na si Paulo Avelino.

Last August 20 episode naging subject ang love life ng actress.

Natanong si Kim kung naipakilala na ba siya sa pamilya ng dati niyang nakarelasyon.

Ani Vice, “Napakilala ka ba sa mga dati?”

“Dun sa mga dati? Oo,” ang sagot ni Kim.

Ang follow-up na tanong ay ang tungkol sa kanyang current, pero hindi na ito sinagot ni Kim.