Advertisers
Malapit na ang FILING OF CANDIDACY ng mga POLITICIAN para sa 2025 MIDTERM ELECTION sa ating bansa ay bahagi na ang kasuhan sa INCUMBENT ELECTED OFFICIALS upang makapuntos sa pagkandidato ang mga naghahangad na masungkit ang puwesto ng mga kasalukuyang nakaupo ngayon sa mga LOCAL at NATIONAL GOVERNMENT POSITIONS.
Ito ang ipinunto ni MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO na ang naghain ng kaso laban sa kaniya sa OMBUDSMAN ay malinaw na POLITIKAHAN dahil sa October ay filing na ng CERTIFICATE OF CANDIDACY ng mga POLITICIAN.., kumbaga ay isang estratehiya ng mga susulpot na kandidato upang maging matunog ang pangalan nila sa mga botante.
“The complaint filed against me and other city officials coincides with the upcoming filing of candidacy for the next elections. It’s hard to ignore the timing of this, as it raises some serious questions about the motivations behind it,” pagpapahayag ni MAYOR MARCY.
Si MAYOR MARCY ay sinampahan ng kaso sa OMBUDSMAN ni SOFRONIO DULAY na residente ng kanilang lungsod hinggil sa umano’y maling paggamit ng PHIL HEALTH PAYMENTS dahil sa nagpasa ang CITY COUNCIL ng ORDINANCE No. 066 Series of 2023 at CITY ORDINANCE No. 002 Series of 2024 na nag-aallocate sa P130 milyon para magamit sa iba’t ibang budgetary items ng kanilang lungsod.
“While anyone can file a complaint with the Ombudsman, we must question the integrity of those who initiated this case. The allegations made are entirely baseless and unfounded. The funds in question remain intact and fully accounted for, as confirmed by previous audits. Given this, it is difficult to see how there could be any malversation or any violation of the law,” ayon kay MAYOR MARCY.
Bunsod nito ay nanawagan si MAYOR MARCY ng patas at impartial investigation para madetermina ang katotohanan.
“In the pursuit of public service, of standing up for what’s right, of governing with integrity—is often met with resistance. But I’m calling for a fair and impartial investigation, one that lets the facts speak for themselves.., and I want the people of Marikina to know that my commitment to good governance, to the well-being of our community, remains as strong as ever.” paglilinaw ni MAYOR MARCY.
Mga ka-ARYA.., sa tuwing nalalapit na ang halalan sa ating bansa ay iba’t ibang taktika ang ginagawa ng mga kakandidato para umingay ang kanilang mga pangalan at mapaukit sa isipan ng mga botante.., sa gayon ay maaari silang iboto mula sa pananaw ng kanilang mga constituent na maaaring sila na ang magiging epektibo sa kanilang bayan.., pero mga kapuwa ko voters e dapat maging mapag-obserba at timbangin sa kung sinong POLITICIAN ang may sinserong pagseserbisyo para sa kapakanan ng kanilang CITY GOVERNMENT at sa kanilang CONSTITUENTS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.