Advertisers
Ni Rommel Placente
ITINULOY pa rin pala ni Mon Confiado ang pagsampa ng cyber libel case laban sa content creator na si Ileiad, kahit nagmakaawa na itong iurong na ang kaso.
Walang plano si Mon na iatras ang cyber libel complaint na isinampa niya sa National Bureau of Investigation (NBI) kay Ileiad o Jeff Jacinto sa tunay na buhay.
Si Jacinto ang vlogger na nag-post sa kanyang social media account ng fake news o ang tinatawag na “copypasta” story tungkol kay Mon na isa raw malaking kasinungalingan.
“Nagmamakaawa, nag-apologize. Pero ang mali niya, hindi niya tinangal agad yung post. Hindi yung drinag ‘yung name ko.
“Ang mali niya, dapat tinanggal agad noong nagmessage ako,”sabi ni Mon sa panayam ng ABS-CBN.
“Tuloy (ang kaso). Hindi ko alam saan pupunta kaso, it does not matter. Ang importante maging aware tayo lahat na hindi pwede gagawa basta ng kwento. Ganu’n lang ba yun?
“Hindi lahat tayo nagsiraan. Sabihin joke lang! Kailangan natin itama. Dapat siguro masimulan. Ito na yun,” aniya pa.
Hindi rin daw maramdaman ng premyadong character aktor ang sincerity ng paghingi ng tawad ng vlogger.
“Nag-apologize pero hindi sincere. Sinabihan mo pa ako ng ‘is this a threat?’ Hindi mo pa rin ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi.
“Oo, nag-public apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo.
“At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama,” ang post ni Mon sa kanyang Facebook account.
“As I’ve said in my post, wala akong kaaway, ni-isang nakaaway, issue. Never ako na-involve sa gulo o incidente. Biglang ganito, parang mali naman yun. Sana maging lesson sa Lahat ng content creator,” aniya pa.
***
SUMAKABILANG-BUHAY na ang mommy Annabelle ni Angelica Panganiban noonga0 August 20, 2024, Martes. Siya ay 61 years old.
Sa kayang IG account, ibinahagi ni Angelica ang isang anunsiyo tungkol sa pagkmatay ng kanyang ina.
Nakasulat sa announcement:
“IN LOVING MEMORY OF ANNABELLE “EBELA” PANGANIBAN
“FEBRUARY 03,1963 – AUGUST 20, 2024
“Wake and memorial service will be held at
“AETERNITAS CHAPELS AND COLUMBARIUM (beside St. Peter Parish, Commonwealth)
Starting August 22,2024”
Walang inilagay na detalye si Angelica kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng pinakamamahal na ina.
Our condolences Angelica.