Advertisers
Ni Oggie Medina
DUMATING ako nang maaga sa Aberdeen Court sa Quezon City para sa 2nd Dangal ng Lahing Pilipino Award. Galing ako ng Tagaytay sa katatapos na kaarawan ni Vince M. Tanada. Nandoon na rin si Maria Liza F. Lorenzo, ang organizer ng nasabing award.
Maaga rin dumating sina PX at Shengmae Ilano, ang mga magulang ni Elia, bida sa Tatay, Nanay movie ng Viva Films. Galing din sila sa kaarawan ni Vince Tanada. Kasabay nila si Kian Co, na awardee rin. Kaming tatlo, si Elia, si Kian at ako ay awardees.
Si Elia ay mapapanood sa “Artsy Craftsy”, isang Philippine TV informative show broadcast ng People’s Television Network. Ang 2nd season ng nabanggit na show ay magsisimula sa Agosto 31 tuwing Sabado, mula 10:30 AM hanggang 11 AM. Isa si Elia sa mga host kasama sina Niccolo Cholo at Kuya Joseph. Sina Elia at Kian ay kasama rin sa The Miracle of Fatima The Musical sa Disyembre 2024.