Advertisers

Advertisers

Piolo inamin, atat maging presidente ng Pinas sa pelikula

0 12

Advertisers

Ni Jovi Lloza

SA panayam kay Piolo Pascual sa isang platform ay inamin nito ang panggigil na magawa or makaganap bilang isang Presidente.

Dagdag pahayag pa nito, lumaki siya nung panahon nung Martial Law na panahon ng tatay ni PBBM na si Ferdinand Marcos Sr.



Paglalahad pa ni Piolo na empleyado ang kanyang mudra sa Malakanyang.

Kaya masasabi nito na lumaki siya sa Malakanyang.

Kaya dream daw nito na makaganap ng isang Presidente.

Gustuhin man daw niya iprodyus ang true to life or biopics ng Marcos ay malabo nga ito dahil baka anya mabigyan pa ito ng kulay.

Dream come true raw kay Piolo if ever mangyari na makaganap ito na Presidente.



***
Kevin Krieder magiging third party sa film nina Kathryn at Alden
NAMATAAN na isang Asian Korean American actor na si Kevin Krieder ang makakasama sa sequel ng Hello Love Again reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pasok daw si Kevin sa ilang sequel ng nasabing film para maging third party sa KathDen.

Si Kevin ay lumabas na sa hit Netflix reality series na Bling Empire at ilan pang international film.

Excited ang KathDen fans sa pagpasok ng Hollywood actor na si Kevin sa Hello Love Again.

Spotted kasi ito na kasama ang iba pang cast ng nasabing film na namamasyal sa Canada habang walang shooting.

Abangers ang mga netizens para sa promotion ng film na collab ng Star Cinema at GMA na halatang ginastusan ng todo.

Well, well, well…’Yun na!