Advertisers
MAY mga ulong gugulong!
Ito ang ibinabala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang ulat na nakalabas na ng bansa ang nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Sa isang statement, binigyang-diin ni PBBM na may nakaamba na isang full-scale investigation hinggil sa usapin.
Giit ng Pangulo, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa pagpapalabas ng bansa kay Guo ay mahaharap sa pinakamataas na antas ng parusa ng batas.
Ipinunto ng Presidente na ang nangyari ay malinaw na patunay ng korapsyon na nagmamaliit sa justice system ng bansa at nag-aalis sa tiwala ng taumbayan.
Babala pa ni Pangulong Marcos, walang puwang sa kanyang pamahalaan ang mga taong mas inuna pa ang personal na interes kaysa ang pagsisilbi sa taumbayan nang may dignidad, integridad, at hustisya. (Gilbert Perdez)