Advertisers

Advertisers

Kaila bagong ‘babae’ ni Daniel

0 34

Advertisers

Ni Archie Liao

PINAG-UUSAPAN ang news alert na ipinost ng Kapamilya Online World at iba pang allied sites ng ABS-CBN tungkol sa upcoming series na pagsasamahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla next year.
Ito ay isang action drama kung saan kasama rin sina Ian Veneracion, Baron Geisler at Anthony Jennings.

Sa mga babae naman ay bahagi ng cast sina Barbie Imperial, Kaila Estrada at Maris Racal.



Dahil sa pagkaka-link ni Richard kay Barbie, nag-one plus one agad ang netizens na ang dalawa ang magkapareha sa serye.

At dahil pinu-push naman ng network ang tambalang MaThon nina Maris at Anthony, sigurado na rin sila na ang dalawa ang bibida sa nasabing teleserye para magbigay ng ‘kilig’ vibes.

Sa isang portal, maingay na pinag-usapan ang possible team-up ni DJ sa bagong leading lady nitong si Kaila.

May ilan namang medyo nalito sa promo plug lalo pa’t katunog ng pangalan ni Kaila ang mom ni Daniel.

May mga humihirit pang hindi raw bagay na magka-partner ang dalawa.



Ito naman ang ilang komento ng kibitzers sa kanilang binubuong tambalan.
“So napa-second look ako. Unang basa ko talaga is Karla Estrada new leading lady of Daniel Padilla. Lol”

“First leading lady role, si Tumbz pa leading man.”

“kaila & dj? di ko bet, di bagay.”

“Ayan na nga. Mukhang may bubuhatin si Kaila. ??”

“KaiNiel”

“I was hoping next project ni Kaila sa Dreamscape. Oh well, any role she can nail it naman.”

“Is this a replacement of Batang Quiapo next year?”

“First teleserye of DJ outside KathNiel.. Let’s see”

***
FDCP ipagdiriwang ang Philippine Film Industry Month

IPAGDIRIWANG ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ni FDCP Chair Jose Javier Reyes ang Philippine Film Industry Month (PFIM) ngayong Setyembre.

Sa selebrasyon ng nasabing event, magbibigay pugay ang ahensiya sa mga hindi malilimutang obra na naging bahagi ng ebolusyon ng pelikulang Pilipino na may temang ‘Tuloy ang Tradisyon ng Pelikulang Pilipino.’

Pararangalan ang National Artists for Film na si Eddie Romero sa naging ambag niya sa industriya ng puting tabing.

Magkakaroon din ng PFIM Gala Night sa Teatrino Promenade sa Setyembre 13.