Advertisers

Advertisers

BILLIARDS AT BOWLING INAAYAWAN NG OLYMPICS?

0 2,614

Advertisers

Ang OLYMPIC GAMES ay SPORTS CONTEST na inorganisa ng OLIMPIA at idinadaos ang paligsahan kada-apat na taon.., na unang natanyag ang OLYMPICS noong summer ng taong 776 B.C. sa OLYMPIA na lugar sa SOUTHERN GREECE.., na ang mga tao’y nagsisitungo sa lugar para manambahan sa kanilang mga DIYOS partikular ang pagbibigay papuri sa ancient GREECE’s MOST FAMOUS GOD.., ang KING of the GODS na si ZEUS.

Sa paglipas ng mga panahon, noong December 16, 1908 ay pinasimulan ng BELFAST FIRM ng HARLAND at WOLFF ang pagpapatayo ng OLYMPIC.., na noong natapos ang pagpapatayo ay inilunsad ang OLYMPIC noong October 29, 1910.

Pero, ang umuusbong na katanungan mula sa aking kaisipan o marahil ay mismong sambayanan na mahilig sa SPORTS GAME ay nagtatanong kung bakit sa tinagal na ng OLYMPIC COMPETITIONS ay hindi isinasali ang larong BILLIARD at BOWLING?



Ayon sa INTERNATIONAL OLYMPICS COMMITTEE.., ang BILLIARDS daw ay hindi nagko-comply sa depinisyon ng SPORTS at ang BOWLING naman daw ay walang appeal sa younger demographics.., naku e high school pa ako noon e maraming kabataan na ang nahihilig sa larong bowling!

Masaklap niyan ay may mga NON TRADITIONAL SPORTS tulad ng SKATE BOARDING, SPORTS CLIMBING, SURFINGS at BREAK DANCING ang isinama na sa kompetisyon noon sa PARIS OLYMPICS.., pero magpahanggang ngayon ay hindi isinasali ang “CENTURIES OLD SPORTS” na BOWLING at BILLIARDS.., kung saan ay matagal nang isinusulong ng INTERNATIONAL BOWLING at INTERNATIONAL BILLIARDS ASSOCIATIONS na maisama sila sa OLYMPIC COMPETITIONS!



Teka.., hindi kaya may politikahan sa hanay ng OLYMPIC COMMITTEE na ang humaharang na maisama sa SPORTS COMPETITION ang BILLIARD at BOWLING ay ang OLYMPIC POWERHOUSE NATIONS na walang panlaban?

Pero.., panahon na para mabago ang pananaw ng mga bumubuo ng OLYMPIC COMMITTEE na isama na sa OLYMPIC COMPETITIONS ang BOWLING at BILLIARDS na marami ring mga bansa ang mahuhusay nilang manlalaro sa gayong laro na makakatapat ng mga mahuhusay na manlalaro ng ating bansa.., sayang at hindi na aabutin pa yata ng legendary players natin na sina PAENG NEPOMUCENO ng BOWLING at si EFREN “BATA” REYES ng BILLIARDS.



Siyanga pala.., CONGRATS sa lahat ng FILIPINO ATHLETES na lumahok sa PARIS OLYMPICS mula kay DOUBLE GOLD WINNER CALOY YULO hanggang sa lahat ng mga atleta nating nakipag-kompetisyon.., at sa isang daang-taon na pagsali ng PILIPINAS sa OLYMPICS ay 3 na ang GINTONG MEDALYANG NAPANALUNAN (isa kay HEIDILYN DIAZ at 2 kay CALOY YULO).

MGA ka-ARYA.., alam ba ninyo na may nauna na tayong GOLD MEDAL sa BOWLING na naipanalo ni ARIANNE CERDEÑA.., yun nga lang NOT COUNTED sa MEDAL TALLY kasi DEMONSTRATION SPORTS lang ang BOWLING.., sayang, kung kabilang sana ang BOWLING at BILLIARD sa OLYMPIC COMPETITIONS ay kayang maidomina ito ng ating mga manlalaro!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.