Advertisers

Advertisers

Andrea proud na nasampal si Dimples

0 9

Advertisers

Ni Rommel Placente

IBINANDERA ni Andrea Brillantes sa kanyang Instagram account ang isang video na ipinakikita ang behind at actual scene ng sampalan nila ng veteran actress na si Dimples Romana sa seryeng High Street.

Aminado si Andrea na ang sumampal ng kapwa artista ang isa sa mga pinakamahirap na eksena sa pagiging artista.



“Grabe it’s my first time ever to ever sampal a veteran actress like Ate Dimples Romana, and wow, what an honor!” proud niyang caption sa IG.

“Before, I was always the one getting slapped in Kadenang Ginto, at ngayon nakabawi na din ako… CHAROT LANG ATE! I LOVE YOU SO SO MUCH [emojis],” aniya pa.

“Jokes aside, as an actor, this really is part of the job so we can fully give justice to our characters and provide satisfying scenes for our lovely viewers!!” paliwanag pa niya.

At kasunod nito ay ibinunyag ni Andrea ang mga susunod na aabangan sa pinagbibidahan niyang TV series na High Street.”

So ITO NA NGA!! The long-awaited war between Tori and Sky has begun! Please stay tuned until the very end of the LAST 2 WEEKS of High Street!”



***

MATAPOS ang glutha drip session ni Mariel Rodriguez sa Senado few months ago, heto at binabakbakan na naman siya sa social media ng netizens matapos magpost ng kissing photo nila ni Robin Padilla kuha sa 40th birthday at may caption na “Oh My Consent Yan ha,” at sumagot naman si Robin ng “Hello babe I’m in heat.” Matatandaang ilang araw pa lang ang nakakaraan ay trending ang pagtatanong ng actor politician ng sexual rights ng lalaki sa kanilang maybahay at dito ay nilektyuran siya ng resource person na si Atty. Kapunan.