Advertisers

Advertisers

Pagtutulungan at maayos na hanapbuhay hangad ng Tsina sa Pinas

0 26

Advertisers

Muling iginiit ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang kahalagahan ng pag-uusap at pagtutulungan sa pagitan ng Manila at Beijing lalo na sa usapin ng infrastructure cooperation, trade, tourism at donasyon sa panahon ng kalamidad, maging paglaban sa krimen, tulad ng POGO.

Ayon sa Chinese Embassy, ang pagpapabalik sa China nang halos 30 dating manggagawa ng illegal gambling operations o POGO ay dahil sa pagtutulungan ng gobyerno ng Pilipinas at China, na kinumpirma ni Immigration Chief Norman Tansingco na aabot sa 27 mga POGO workers ang nakabalik na sa China noong Agosto 1, 2024.

Sa katotohanan, matagal nang hiniling ng Beijing sa Manila na ipatigil ang operasyon ng POGO sa bansa dahil sa negatibong epekto nito sa buhay ng mga tao at komunidad.



Paliwanag ng Chinese Embassy na sa batas ng China, ipinagbabawal ang anumang uri ng sugal sa kanilang mga mamamayan at may katapat itong parusa.

Kaya nang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong SONA ang tuluyan pagpapatigil sa operasyon ng POGO sa bansa lubos itong ikinatuwa ng Chinese Embassy sa Manila at kinikilala nito ang desisyon ng Pangulo ng Pilipinas dahil nagpapakita lamang na sensitibo si PBBM sa nakararaming damdamin ng mga Filipino at angkop ito sa interes ng dalawang bansa.

“Nagiging dahilan ang POGO ng mga malalang krimen at lubhang nakakasira sa interes ng kapwa Pilipino at Tsino. Nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas kasama ang Pilipinas at mas mabuti pang protektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga Tsino at Pilipino, “ dagdag pa ng Chinese Embassy sa Manila.

Maalalang ang bansang China ang laging naghandog ng tulong sa pamamagitan ng gawaing infrastructure trade, tourism at donasyon noong panahon ng pandemya ng CoViD19 at tuwing may mga kalamidad na nagbibigay ng maraming trabaho para itaas ang diginidad ng mamamayang Pilipino.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">