Advertisers
Ni Jovi Lloza
SA nalalapit na concert ng PPop female group na BINI, kasado na ito sa buwan ng Nobyembre sa Araneta Coliseum. Knowing na pangmasa ang BINI, ikinaloka ng fans ang ticket prices ng concert nila.
Ang pinakamura ay P1,387 at ang pang VIP ay nagkakahalaga naman ng P11,195.
Kaya di masisisi ang fans ng BINI kung umaray sila sa mahal ng presyo ng ticket concert.
Inulan tuloy ng bash ang nasabing grupo.
Sey pa ng fans na masyado nga raw sinamantala at inabuso ng PPop group ang presyo ng kanilang ticket concert to think na local show lang ito.
Di na nga raw inisip ng humahawak sa BINI na halos lahat ng tagahanga ng grupo ay mga estudyante at paano raw maa-avail ng mga gusto lang mapanood ang BINI na ganun kamahal ang presyo ng concert.
Ang katumbas daw ng presyo ng concert ng BINI ay mga foreign artist.
***
Xian Gaza inilampaso ng basher
MAY post ang socmed influencer na si Xian Gaza.
Sa post nito ay sinabi niya na huwag makikialam sa buhay ng may buhay.
Meaning, wag pakialaman kung ano ang status ng love life nito.
Di yata nagustuhan ng basher ang post ni Xian sa kanyang socmed.
Kaya naman binira ng basher ang post nitong huwag makikialam sa buhay ng may buhay.
Resbak ng basher na napakagaling daw magsabi si Xian na huwag pakialaman ang may buhay.
Eh siya raw mismo (Xian) ang mahilig makialam sa buhay ng iba.