Advertisers

Advertisers

5 ‘killers’ ng beauty queen at dyowang Israeli swak sa murder

0 7

Advertisers

Sa pangunguna ni PNP-CIDG Legal Division Chief Thomas Valmonte, naisampa na niong Huwebes, Agosto 15 ang reklamo sa limang indibiduwal na sangkot sa pagpaslang sa beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend niyang si Yitzhak Cohen.

 



Double murder ang isinampa ng CIDG, kasama ang kapamilya ng mga biktima.

 

Kabilang sa limang indibidwal ang dalawang dating pulis at ayon sa CIDG, pinagplanuhan ng mga ito ang krimen.

 

Dalawa umano sa mga ito ang bumaril, at isa pa ang kasama sa pagtapon ng mga bangkay.



 

Pera at lupa ang nakikitang motibo sa nangyaring krimen.