Advertisers
NALAMBAT ang tinatayang isang kilo ng shabu (crystal meth) na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa baybayin ng Lian, Batangas, Martes ng umaga, Agosto 13.
Sa ulat ng Police Region 4A, isang alyas “Marlon”, miyembro ng barangay intelligence network, ang nakakita ng isang selyadong kulay abong plastic na may mga Chinese character sa baybayin ng Barangay Luyahan sa Lian habang nagsasagawa ng coastal clean-up sa harap ng isang resort 7:20 ng umaga.
Nang buksan ni Ilagan ang selyadong plastic, nakita niya ang isang vacuum-sealed white crystalline substance (shabu) sa loob ng transparent plastic container.
Agad niyang ipinaalam sa lokal na awtoridad ang tungkol sa pakete.
Sinabi ng pulisya na ang shabu ay tumitimbang ng isang kilo.
Dinala ang droga sa police laboratory para sa confirmatory test.