Advertisers

Advertisers

Mag-live-in sinugod kakumpitensya sa negosyo, bulagta

0 31

Advertisers

NASAWI ang mag-live-in partner nang pagbabarilin ng umano’y kakumpetensya sa negosyong ratan handicrafts sa Barangay Nanguma, Mabitac, Laguna nitong Martes.

Kinilala ang mga nasawi na sina William Talisik at Margie Serrano; at ang salarin ay si Isagani Hiyas, mga nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Mabitac Municipal Police Station sa pangunguna ni Major Gerry Malipol, dumating sa bahay ni Hiyas ang dalawang biktima sakay ng isang tricycle at galit na galit ang mga ito na kinompronta ang una dahil sa agawan umano sa kanilang supplier.



Habang nasa kainitan ng sagutan pinagpapalo ni Margie si Hiyas gamit ang isang mahabang stick. Dahil dito pumasok sa loob ng kanyang bahay si Hiyas, at paglabas ay pinagbabaril ang mag-asawa na kaagad nasawi.

Mabilis na tumakas ang salarin pagkatapos ng pamamaril. (KOI LAURA)