Advertisers

Advertisers

DOUBLE GOLD NI CALOY YULO, HUMAHAKOT NG INGAY

0 3

Advertisers

SUPER trending ang naitalang record ni CARLOS EDRIEL YULO sa 2024 PARIS OLYMPICS na 2 gold titles at bumuhos ang pagbati pati sa social media.

Lalo pang umingay ang nakagugulat na panalo ni CALOY, sa kasunod na post ng ina nitong si ANGELICA POQUIZ YULO na ipinagbunyi ang panalo ng Japan sa overall competition kung saan 12th place ang naitala ni CALOY.

Mas nakagugulat ang pagmamalaki pa nito na tinulugan niya ang laban ng anak dahil di siya bilib na mananalo ito at nagulat na lamang sa balitang bumitbit ito ng gintong medalya.



Lumabas sa isyu na may family feud sila dahil sa paggasta ni ANGELICA sa mga pera ng anak na walang permiso. Lumabas din sa post na ibinili ng properties ang pera mula sa mga premyo ni CALOY.

Sa double gold medals, nakalulula ang mga premyong ipinagkakaloob kay CALOY bilang pagkilala sa napakalaking karangalan para sa Pilipinas- 20M Cash, 10M, 20M incentives, 10M from San Miguel Corporation by Big Boss RAMON S. ANG, 5M from International Container Terminal Services, 3M- CHOOKS to GO, 6M-House of Representatives, 32 M Condo unit at McKinley Hill-MEGAWORLD, 10M-TOLEDOMED 5-year contract Brand Ambasador, House and Lot- PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTE plus Brand New Car and Gold Medal of Valor from PSC.

Iba pa ang mga libreng accommodation at privileges na sinusundan pa ng gifts and other offers.

Ang isa pang punto ng ingay sa isyu ay ang pagkakasangkot ng girlfriend ni CALOY na si CHLOE SAN JOSE, Australian Tiktoker, na idinepensa si CALOY at inihayag ang pagkuha ng karapatan sa pera ni 24 y/o champion gymnast CALOY, na lalo pang pinagpipiyestahan sa socmed.

Lumala na ang sinimulang post ni Mrs. ANGELICA. Well, sa tingin namin, hindi apektado o kasiraan sa gold record ni CALOY ang ingay ng isyu.



Whatever, siya pa rin ang tanging pambato ng Pinas sa buong mundo sa Gymnastics.

For a throwback, unang napansin sa musmos na CALOY ang hilig sa tumbling sa isang Children’s Park sa Malate, Maynila. Ang kanyang Lolo RODRIGO FRISCO ang nagdala sa kanya at mga kapatid sa RIZAl MEMORIAL SPORTS COMPLEX para sa try-out at natanggap naman sila and the rest is history.

Maaalala na naging Coach ni CALOY si KUGIYAMA, isang hapon na naging close sa mom nya. Sa isang scenario na sinasabing istorbo sa training ang gf ni CALOY na si CHLOE, pinamili niya ang Gymnast at sorpresang itinapon ang Japansese coach. So, no wonder na kinampihan ng mom ang Japan sa overall win.

Mula nang maging freelancer, iba-ibang experiences ang nadaanan ni CALOY na sila pa rin ni CHLOE, but wait, mahusay bang back up ang gf at umabot sa double gold si CALOY? What do you say, mga Kaisport? Well, CONGRATS, Pinoy Golden Gymnast CALOY YULO!

AUGUST CHEERS
HAPPY ANNIVERSARY to our ever cherished POLICE FILES TONITE! HAPPY BIRTHDAY to Bgy. Capt. JODY COLUMNA NIVIAR and RENZ MARION NIVIAR SANTOS both of Malabon, Gen. Trias, Cavite, HAPPY READING!