Advertisers
TUMANGGI ang Commission on Audit (COA) na ilabas o isapubliko ang kanilang audit findings o resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyal na confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Naging sentro ang usapin sa confidential funds ng OVP at DepEd nANg sumalang ang COA sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations para sa kanilang 2025 national budget.
Sa nasabing budget briefing, inihayag ni COA Chairperson Gamaliel Cordova na nakapagsumite na ng kanilang liquidations ang OVP at DepEd.
Paliwanag ni Cordova, dahil sa nature ng pondo na ‘confidential’ hindi nila ito maisapubliko.
Pero ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, interesado ang publiko malaman kung paano ginastos ng OVP at DepEd ang confidential funds.
Dahil sa pagtanggi ng COA na ilabas ang kanilang audit findings, naghain ng mosyon ang mambabatas para ilabas ang COA findings.
Kung matatandaan, nasa P125 million ang confidential funds ng OVP noong 2022.
Noong 2023 GAA, binigyan ng P500 million confidential funds ang OVP, habang P150 million confidential funds ang DepEd.
Gayunpaman, paulit-ulit binigyang-diin ng COA na hindi nila mailabas ang detalye ng audit findings.