Advertisers
ANG nag-viral na public message na “we do not deserve to have a vice president” ay isang pahayag ng Pilipinong mamamayan na ayaw na nilang maniwala kay Bise Presidente Sara Duterte at ito ay kinumpirma rin ng Social Weather Station (SWS) survey na ang kanyang rating ay sumadsad pababa.
Ang isa sa mga popular na kumalat na mensahe ay ang “ we do not deserve a vice president who failed miserably as Education secretary,” dahil pinabayaan niya ang DepEd sa panahon na nalalapit na ang pasukan.
Ilan sa mga loyal lamang sa kanya ang naiwan sa DepEd at karamihan dito ay hindi pa kuwalipikado bilang mga DepEd officers.
Ayon sa pinakabagong survey ng SWS, sumadsad ng 19 porsiyento mula sa 63 nuong Marso na naging 44 nitong June 2024. Bumaba ito sa rating na “Very Good” category at naging “Good” category lamang.
Ayon sa SWS, ang pagsadsad sa rating ay isang malaking dahilan upang matalo siya sa mga political momentum na kanyang itinayo simula ng siya ay maging Bise Presidente.
Ang 19-point bawas sa rating ay mahalaga at ito ay isang indikasyon na maraming Pilipino ang hindi pumapabor sa mga ginagawa ni Sara, lalo na ang pagbatikos nito sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Inihayag din ng SWS survey na mas maraming rehiyon na dating pabor kay VP Sara ang bumaba, partikular na ang Visayas, na nakapagtala ito ng 22 points lamang, at bumaba ng 26 points, pati na rin sa Mindanao, ang kanillang teritoryo na sumadsad ito ng 7-points.
“Kapag patuloy ang ganitong survey, magiging maliit ang tsansa ni Sara Duterte na maging susunod na president sa 2028,” ayon sa mga political experts.