Advertisers

Advertisers

Lotlot ‘di kokontra sa romansa ng anak na si Janine kay Jericho; Gerald binigyan ng award sa kabayanihan sa bagyong Carina

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

BINIGYAN ng award si Gerald Anderson dahil sa pagtulong na kanyang ginawa nung nakaraang Typhoon Carina.

Buwis-buhay ang aktor sa pagsagip ng pamilyang halos lamunin ng napakalakas na rumaragasang baha at ulan.



Sa Instagram ng Starmagic, very proud nilang pinost ang kagitingang ginawa ng kanilang talent.

Anila: “not just a Tatak Star Magic artist, but also a courageous Auxilliary Commander in the service of the Filipino..

#GeraldAnderson’s eventful PCG Auxilliary Search and Rescue award ceremony.

Congratulations Gerald!”

Puring-puri naman ng netizens ang actor.



“Deserving talaga and nice Cartier watch”

“Ang gwapo talaga ni Gerald. Mas gumwapo dahil sa kabutihan at kabayanihan.”

“Ganito dapat, may ambag sa society, hindi yung naki-uniform lang at tumatanggap pa ng pay from our govt. Buti pa to si Ge e”

“True! At saka ito yun talagang worthy magsuot ng mga ganitong uniform. Hindi pang clout lang.”

Mukhang sour graping naman ang komento na ito ng isang netizen, “iba talaga pag artista may award, yun ibang reservist may award din kaya”

“ugh imagine all the flood water he swallowed”

“Exactly. Sacrifice talaga”

“Well deserved recognition. Ito yun talagang umaaksyon literal. Salamat Gerald for all you did during the typhoon. Mabuhay ka!”

“Dasurv kasi own initiative na tumulong. Mabuhay ka Gerald! Ipadala na yan sa scarborough shoal! Charot. But seriously Kudos bro!”

“Kaya kahit binabash sya, hindi ko magawang magalit dito. Mabuting tao. Matulungin sa kapwa, magalang sa mga nakakausap nya. Sana dumami pa mga heroes na katulad mo, Gerald.

And talking in general, sa ibang mga Pinoys, kung hindi nyo gusto or wala kayong capacity na tumulong, sana wag na kayo dumagdag sa mga problema. Wag kayong magnakaw, wag kayong magkalat ng mga basura, wag kayong pasaway sa kalye para less traffic. Sana lang…”

“Deserve Hindi lang for the show totoong service and consistent.”

“Mga tao sa ibang social media nagrereklamo at binabash si Gerald ulit, bakit siya lang daw ang nirecognize. Paano naman daw yung mga normal na tao? Edi doon kayo magreklamo sa barangay tanod niyo kung gusto niyo ng award. Pati yung mga kasama sa rescue team ni Gerald may recognition din. Thank you Gerald. You truly deserve that award. People know you’re always there for them when needed!”

“At sana gunaling din ang mga nasa ospital ngayon due to lepto na hindi kasing swerte nya na nakapagpagamot agad.

Thank you mr anderson at sa lahat ng rescuers”

***

DARREN SINUGOD
SA HOSPITAL
SINUGOD si Darren Espanto sa hospital dahil sa appendicitis.

Pabalik na ng Manila ang singer after ng Asap show nila na ginawa sa Amerika.

Sa Instagram post ng singer, aniya may “plot twist” nangyari habang pabalik na siya ng Manila.

Sa larawan, makikitang nakahiga na siya at nakasuot ng patient uniform.

“From the airport to the hospital. Sabi sa inyo, grabeng plot twist nangyari sa akin eh. Appendicitis suddenly hit during my flight back to Manila. Was supposed to be back on ‘Showtime’ today but emergencies happen talaga. Shoutout to my family and friends who have prayed for me!” ani Espanto.

“To the producers of the shows I was supposed to be part of in the next few days, I am so sad to have cancel so last minute. I hope to work with y’all soon pa rin po! Thank you for understanding!” dagdag pa ng singer.

Dahil sa pangyayari, hindi na rin makaka-attend si Darren sa Tandaya Festival 2024 Samar Day Celebration ngayong Sunday kung saan isa siya sa performer.

***

LOTLOT MAY TIWALA KAY JANINE
KASAMA si Lotlot de Leon sa bagong serye nina Janine Gutierrez, Jericho Rosales at Jodi Sta. Maria, as a leading role.