Advertisers

Advertisers

Lalaking pasaherong kararating lang mula Japan inaresto sa NAIA

0 5

Advertisers

Inaresto ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) at ng Barbosa Police Station ng Manila Police District ang isang papasok na pasahero mula sa Narita, Japan, pagdating nito sa Ninoy Aquino international Airport NAIA Terminal 3.

Ayon sa Avsegroup, ang pasahero na residente ng Alfonso, Cavite ay pinaghahanap ng batas simula pa noong Enero 16, 2020, sa bisa ng warrant na inilabas ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 43 sa Dagupan City.

Nag-ugat ang pag aresto sa suspect dahil sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, na kilala bilang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.



Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Barbosa Police Station 14, kung saan sumasailalim ito sa karagdagang dokumentasyon at legal na pag-proseso.

Nasa P24,000 naman ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang akusado. (JERRY S. TAN)