Advertisers

Advertisers

iSkin bibigyan ng P10-M contract si Caloy

0 35

Advertisers

INILUNSAD nitong nakalipas na August 8 ng iSkin aesthetic lifestyle ni Ms. Kate Pagkalinawan ang 24k Face Therapy at Goldlift Therapy sa kanilang tanggapan sa Aimall, Air Residences, Malugay St., Makati City.

Mae-enjoy na ng kanilang mga kliyente ang mga benepisyo ng gold-infused treatments na maglalabas sa natural radiance ng iyong balat.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang ilan sa brand ambassadors ng iSkin na sina Regine Tolentino, Susan Africa, Maxx Eigenmann at Ms. Irma Adlawan.



Kasabay nito, nalaman natin na bibigyan din ng P10-Million pesos na halaga ng kontrata ng iSkin ang Olympic winner na si Carlos ‘Caloy’ Edriel Yulo sa loob ng limang taon.

Suportado nina Ms. Kate ang hindi matatawarang talento na ipinakita ni Yulo sa gymnatics at ang dalawang gintong medalya na ibinigay niya sa bansang Pilpinas.