Advertisers

Advertisers

DOUBLE-CROSS

0 19

Advertisers

Binuking ni Congressman Elizaldy Co,chairperson ng Committee On Appropriations sa Kongreso ang umano’y ginawang “bargain” ni PNP General Romeo Caramat sa gobyerno para tukuyin at idetalye ang mga nalalaman nito sa umanoy’ extra- judicial killings ng administrasyong Duterte sa inilunsad na madugong war on drugs na iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Co na nakipagkita siya kay Gen. Caramat para talakayin ang isyu sa extra judicial killings sa giyera kontra droga na ipinatutupad ng Duterte administration.

Pumayag umano si Caramat na kumalap ng mga testimoya at ibahagi ang kanyang nalalaman tungkol.dito kapalit ng paglalagay sa heneral (Caramat) bilang bagong PNP chief, kapalit nang magreretiro noon na si General Benjamin Acorda Jr.pero tinabla umano ito nina Speaker Martin Romualdez at ng mismong Pangulong Bongbong Marcos.



Salungat naman ang pahayag na ito ni Cong.Co sa mga impormasyong nakalap natin mula sa Kampo Crame.

Base sa A- 1 info na nakalap natin,nagbigay na ng mga pangalan at mahahalagang detalye si Caramat kina Romualdez at Co sa makailang beses nilang pagkikita sa mismong bahay ni Speaker Romualdez sa Makati City.

Ngunit laking dismaya umano ni Caramat na hindi siya ang itinalagang chief PNP nang magretiro si Gen. Acorda kundi si General Rommel Francisco Marbil ng PMA Sanbisig Class of 1991.

Si Caramat naman ay miyembro ng PMA Tanglaw- Diwa Class of 1992 na lower class ni Marbil.

Ayon pa sa mga impormante natin,nagalit si Caramat sa tila panggogoyo at patraydor na ginawa sa kanya nina Romualdez at Co na pinagkalooban na nito ng mga classified informations (CI) gaya ng pagkuha ng pondo bilang bounty or reward money para sa mararampang mga suspected drug pushers ng kapulisan bukod pa umano sa bagong Glock caliber .45 na baril na ibinibigay rin sa mga pulis after every successful ( salvage) operations .



Mula umano sa PCSO,PagCor at mga POGO hubs kinukuha ang budget para sa reward money at pagbili ng high-end na mga firearms.

Tumindi pa lalo ang galit umano ni Caramat nang sibakin ito bilang hepe ng PNP- CIDG matapos isangkot ito bilang protektor o patong ng POGO.

Feeling ni Caramat ay isini- set up siya nina Romualdez at Co matapos na imbitahan at gisahin sa Kongreso patungkol sa iligal na operasyon ng POGO.

Kutob ni Caramat, plano na marahil nina Romualdez and company na dispatsahin na siya (Caramat) na umano’y posibleng magdouble agent at tumalon sa kampo ng mga Duterte.

Pakiramdam ni Caramat ay isasabit siya at kakasuahan para tuluyan ng mapatalsik sa police service.

Biruin n’yo bayan, na- double – crossed na nga sa usapan si Caramat,ngayon gusto pang i- “operate at i- terminate” ng mga animal!

Ganyan kawalanghiya at ka-Hudas ang mga.taong kausap ni Caramat.

Kung sabagay,pare- pareho lang naman silang nga Hudas… so they really deserved each other.

May kasunod na mas maiinit pang rebelasyon…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com