Advertisers

Advertisers

Angeli stepping stone ang paghuhubad para maging mahusay na aktres

0 14

Advertisers

Ni Archie Liao

AMINADO si Angeli Khang na hindi naging madali ang kanyang childhood.

Noong nagdadalaga raw siya ay kinuha siya at ang kanyang kapatid na lalake ng kanyang Korean father na nakabase sa US.



Dahil galing sa military, very strict daw ang kanyang father.

Noong una, pinangarap daw nitong ipasok sa militar ang kanyang kapatid.

Dahil hindi kinaya ang pressure, umuwi raw ng Pinas ang kanyang Kuya.

Dala ng pangyayari, sa kanya raw nabunton ang lahat ng paghihigpit ng ama.

De numero raw ang mga kilos niya noon na umiinog lang sa bahay at eskuwela.



Bawal daw sa kanya noon ang lumabas, manood ng TV o maglaro ng gadget dahil gusto ng ama na ipokus lang ang atensyon sa pag-aaral.

Pagbabahagi pa niya, gusto rin daw ng ama niya na maging militar siya at sundan ang yapak nito.

Hindi rin niya ikinaila na pinagmalupitan siya ng ama.

Noon daw kasing umuwi ng Pinas ang kapatid ay pinilit siyang pinagtapat kung may kinalaman siya sa pag-aalsa balutan ng kanyang Kuya.

Sinubsob daw siya sa lababo ng ama at sinaktan.

Aminado siyang naging battered siya sa piling ng kanyang tatay.

Dahil daw din sa sobrang higpit ng ama, tinakasan daw niya ito at hinanap ang kanyang kapalaran sa Pilipinas.

Mula sa pagiging miyembro ng girl group, sumalang daw siya noon sa pag-aartista.

Dahil na-enjoy naman niya ang pag-arte, nakita raw niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap sa pag-aartista.

Para rin sa tinaguriang Vivamax Queen, naging stepping stone raw niya ang paghuhubad para makilalang magaling na aktres.