Advertisers

Advertisers

NAGBUNYI ANG MALABON SA PAGBISITA NI SENATOR BONG GO

0 8

Advertisers

Sa muling pagbisita ni Senator Bong Go sa Malabon City, marami na naman ang napangiti nito sa pag-asang muling pagbangon ng mga maralitang taga- lungsod.

Napayakap na lang ang ilang mga senior citizen sa paghahayag hindi lamang sa sinapit ng bagyong si Carina, maging sa kanilang mga iniindang karamdaman na tutugunan ng Senador ang mga gastusin mula sa operasyon sa ospital hanggang makabalik sa tahanan. 



Ayon din kay Senator Go, tututukan nito ang ipinangako ng Philippine Health Insurance Corporation ( Philhealth ) na ibabalik sa National Treasury ang P89.9-billion excess funds , maging ang deadline na ibinigay ng Department of Health sa pagpapalabas ng Health Emergency Allowance sa Oktubre.

Pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang Senador sa walang sawang pagtulong lalo na sa kalamidad at pagiging kilala bilang “Mr.Malasakit” na nakapagtala na ng 160 Malasakit Centers sa bansa  at Super Health Centers .

Nagpasalamat naman ang pamahalaang lokal ng Malabon dahil sa patuloy na suporta nito lalo sa panahon ng kalamidad bilang chair ng Senate Health and Demography Committee.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">