Advertisers
AMINADO si Senate President Francis “Chiz” Escudero na kahiya-hiya ang Philippine National Police (PNP) at law enforcement agencies na hindi pa rin naaaresto si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
“Oo, nakakahiya, kahiya-hiya para sa PNP na hindi magawa ito, lalo na na nandito pa naman daw sila sa bansa ayon sa Bureau of Immigration,” wika ni Escudero.
Binigyang-diin ng Pangulo ng Senado na hindi lamang ang arrest order para kay Guo ang hindi pa naibibigay, kundi pati na rin ang iba pang akusado ng mga krimen.
“‘Di ba maraming akusado na mas malala pa nga ang krimen, mas malalaki pa ‘yung mga kaso na hindi nila nahuhuli,” punto niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Escudero na hindi dapat bawasan ang budget ng PNP at National Bureau of Investigation.
Matatandaang sa pagdinig ng Senado noong Lunes, binantaan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang NBI at PNP ng pagbabawas ng budget sakaling mabigo silang arestuhin si Guo sa loob ng isang buwan. (Mylene Alfonso)