Advertisers
ISINUHESTIYON ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng pasok sa araw ng Sabado.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang ‘Saturday classes’ ay para lamang sa mga paaralan na nagpaliban ng pagbubukas ng klase nitong Hulyo 29.
Layon aniya ng Saturday class ay para makahabol ang mga mag-aaral sa mga aralin at hindi mabitin ang school days na nakatakda sa school calendar.
Matatandaang maraming mga paaralan ang ipinagpaliban ang pasukan matapos na masalanta ang kanilang paaralan.