Advertisers

Advertisers

Repatriated Filipino trafficking victim mula sa Myanmar, isa palang Chinese

0 10

Advertisers

NA-INTERCEPT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Biyernes ang isang lalaking Chinese na nagpanggap na Filipino ang pinauwi ng Pilipinas matapos mabiktima ng trafficking sa Myanmar.

Nagduda ang mga immigration officers matapos na ang isang alias ‘King’ ay nagpakilalang Filipino sa arrival inspection, sa kabila na siya ay isang dayuhan.

Hindi pinangalanan ang lalaki alinsunod sa kasalukuyang anti-trafficking laws.



Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na si alias ‘King’, 40, ay umalis ng bansa noong July 2023 patungong Thailand gamit ang Chinese passport, at nagtataglay ng permanent residence visa sa ilalim ng RA 7919. Inamin ng lalaki na ginamit niya ang kanyang Chinese passport dahil sa payo ng kanyang recruiter upang maiwasan ang tanong kung ano ang pakay niya sa pagbiyahe.

Pagdating sa Thailand, tumawid siya ng ilog kasama ang tatlong iba pa patungong Myanmar. Sinabi pa nito na isang buwan lang siyang binayaran at kalaunan ay pinaparusahan na siya.

Siya ay ni-released matapos magbayad ng 20,000 baht o mahigit P32,000, pero inaresto ng Thai immigration at nakulong ng tatlong buwan.

Ayon pa kay Sandoval, sinabi ni ‘King’ sa mga BI officers na natatakot siya na ma-deport sa China kapag ginamit niya ang kanyang Chinese passport, at sinabi rin nito na hindi na siya nakabalik pa ng China simula ng dalhin siya ng kanyang ina sa Pilipinas nang siya ay anim na buwan pa lamang. Ang kanyang ina ay permanent residence holder sa Pilipinas, habang ang kanyang ama ay naturalized Filipino.

Siya ay binigyan ng Philippine travel document ng Philippine embassy sa Bangkok at napauwi ng Pilipinas.



Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga ganitong insidente ay epekto ng ginagawang shortcuts ng mga Chinese migrants upang makakuha ng Philippine citizenship.

“You cannot buy citizenship. You can be born with it, or be naturalized. There are no other modes or shortcuts in acquiring Philippine citizenship,” pahayag nito.

Natuwa naman si Tansingco dahil ang usapin sa citizenship for sale ay napag-uusapan na, dahil aniya matagal na niyang sinasabi ito dahil sa pangamba na banta ito sa national security.

“We are glad that many government agencies and lawmakers are already looking into this issue,” saad pa ni Tansingco.

“This is a national security concern that needs to be addressed, lest it be abused by foreign nationals with malicious intent in the Philippines,” dagdag pa nito.

Si alias ‘King’ ay inaresto at nakapiit ngayon sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinaharap nito ang immigration deportation charges, ayon pa kay Tansingco. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)