Advertisers

Advertisers

NCR Nangunguna sa medal standings ng Palarong Pambansa

0 14

Advertisers

HUMAKOT ng lima pang gintong medalya ang Calabarzon sa swimming Linggo at nanateling sa likuran ng powerhouse National Capital Region (NCR) sa overall medal standings sa palarong Pambansa sa Cebu City.

Nagbulsa si Albert Jose Amaro ll ng 3 golds habang si Micaela Jasmine Mojdeh at Peter Cyrus Dean nakakuha ng tig-isa sa Cebu City Sports Center Pool.

Nangibabaw si Amaro sa boy’s 13-18-50 meter freestyle sa 24.25 seconds,habang ang NCR bets Luke Amber Matthew Arano (24.57s) at Kobie Briel Rivera (24.69s) ang second at third place,ayon sa pagkakasunod.



Nagtagumpay rin siya sa 200m freestyle sa tiyempong 1:58.15 laban sa Davao Region’s Paolo Miguel Labanon (1:58.21) at NCR’s Ivo Nikolai Enot (2:01.10); at nagwagi sa 4x100m freestyle team ksama si Kevin Arguzon, Eric Jacob Umali at Nimrod Montera (3:38.83), ginapi si NCR’s Hugh Antonio Parto, Admiel Percy Sajise, Rain Andrei Tumulac and Enot (3:39.80); at Central Luzon’s Timothy Ram Capulong, Ian Patrick Aquino, Seb Rafael Santos at Gerald Joven Esquivel (3:46.21).

Komulekta si Amaro ng kabouang seven gold medals, ang iba ay nagmula sa 50m at 100m butterfly, 100m freestyle, at 4x100m medley relay kasama si Dean, Joart Calderon at Reineile Jan Mikos Trinidad.

Samantala, si Mojdeh may oras na 5:12.19 sa 400m individual medley para sa kanyang ika-limang gold medal sa girls 13-18 category. Naungusan nya si Lhiazel Fei Dollente ng NCR (5:25.91) at kacie Gabrielle Tionko ng Central Visayas (5:31.50).

Nagwagi rin si Mojdeh sa 200m IM,100m butterfly, 200m butterfly at 200m breaststroke, ang huling avents na kanyang napanalunan.

Dean ang nangibabaw sa boys’ 13-18 400m IM sa oras na 4:50.26, dinaig si Anton Paulo Dominick Della ng Ilocos Region (4:51.91) at Aishel Cid Evangelista ng National Capital Region (4:53.29).



Pang apat na gold medal ni Dean matapos dominahin ang 200m IM,, 4x50m medley relay at 4x100m medley relay.

Sa alas 7:30 ng gabi perennial champion NCR ay may overall tally na 61-47-56 gold-silver-bronze, sumunod ang Calabarzon (42-32-36) at Western Visayas (39-29-31).