Advertisers

Advertisers

MATATAAS NA RANGGO SA PNP IDINADAWIT SA “MULTI-MILLION” PAYOLA SA ORIENTAL MINDORO

0 42

Advertisers

MARAPAT lang na paimbestigahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief, Rommel Francisco Marbil ang tungkol sa talamak na sugal at pangongolekta ng “payola” ng mga kolektong sa mga gambling operator gamit ang pangalan ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan.

Hindi lamang ito direktang paglapastangan at pambabastos sa Republic Act 9287 anti- illegal hambling Act at Presidential Decree 1602 ng mismong mga tagapagpatupad ng batas.

Saan mang lupalop na lugar sa ating bansa ay lantaran ang operasyon ng iligal na sugal nasa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayosan na umiiral.



Ang masaklap mismong mga matataas na opisyal ng kapulisan ang nangunguna sa paglabag sa nasabing batas dahil sa pagbibigay proteksyon sa gambling operation.

Nangunguna sa listahan ng iligal na sugal ay itong jueteng-bookies, at peryahan namay sandamakmak na sugal tulad ng drop ball, baraha, baklay at color games.

Lahat ng yan ay alam ng mga hepe ng kapulisan na si PNP Chief Marbil.

Pero mismong si General Marbil ay nagiging inutil vs illegal gambling.

Mistulang bulag pipi at bingi din ang PNP Provincial Director ng Otiental Mindoro na si PCol Samuel Delorino maging ang MIMAROPA regional director na si PBGen Roger Quesada laban sa mga organisadong sindikato ng iligal na sugal na protektado ng ilang mataas na opisyal ng kapulisan na dino-Diyos ng mga gambling operators.



Kahit saang sulok ka dumako ay lantaran ang presensiya ng mga peryahan namay sandamakmak na sugal kung saan nagkalat din sa naturang probinsya ang mga kumbrador ng jueteng.

Ayon sa source abala umano sa pangongolekta ng “goodwill” at “weekly” sina alyas Sgt. Liyag at Sgt. Hernandez mga nagpapakilalang sagradong tauhan ng mga nabanggit na PNP officials.

Matataas ang ranggo sa PNP ang idinadawit sa kotong activity na pumoprotekta sa illegal gambling.

Kaya siguro tahimik sina Gen Quesada at Col Delorino kapag isyu ng illegal gambling sa Oriental Mindoro ang pag-uusapan

Pasama ng pasama ngayon ang sistemang umiiral sa hanay ng PNP.

Pero Infairness kina Col. Delorino at Gen. Quesada, kilala nating istrikto at matino ang mga ito lalo na si General Marbil pero bakit kinakaladkad sa kotong activity ang malinis nilang pangalan

Subaybayan natin!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com