Advertisers

Advertisers

Iba ang may pinagsamahan?

0 12

Advertisers

Hindi mapigilan ni Coach Yeng Guiao mainis sa mabilisang nangyaring trade sa pagitan ng Ginebra at Terrafirma ilang araw bago ang 2024 Rookie Draft.

Nadadalian kasi siya sa pag-aprub ng opisina ng Commissioner sa ginawang palitan. Paano ay 35 plus 37 vs 28 plus 30 ang mga edad ng mga cager na kasali. Oo mga star yan pero over na sila sa peak ng karera. Tapos ang inihalili ay mga dating numero uno sa drafting.

Heto pa isa na ikinagaglit ng iba. Bakit daw puro ang prangkisa ng mga Alvarez ang nagpapadala ng mga pinili nilang una sa mga koponan ng grupong San Miguel.



Mahusay ba talaga sa larong ito ang pangkat ni RSA o may ibang dahilan.

Tingnan natin listahan ng mga magagaling na amateur ang ipinamigay ng team ni Pepito Alvarez kina Ramon S. Ang.

Christian Standhardinger (2017 SMB) CJ Perez (2018 SMB), Isaac Go (2021 GSM), Jeremiah Gray(2021 GSM), Stephen Holt (2022 GSM)

Eka nga ay iba ang may pinagsamahan! Sa inuman ba yan o sa kwan?

Paalam Manolo “Chino” Trinidad. Nakilala natin siya noong PBL Commissioner siya. Tapos binigyan niya ng recognition ang isang kakaibang proyekto natin sa isang player. ng liga. Nakatuwang din natin ang sports journo para sa pagpapalaganap ng isang adbokasiya para sa mga kabataan. Naging espesyal na bisita natin taong 2022 sa OKS@DWBL kung saan tinalakay natin ang mga mahahlagang isyu sa basketball. Mapalad din tayo na makarating sa kanilang tahanan sa Mandaluyong. Yun yung compound kung saan nakatira rin ang kanyang ama na si Recah, isang batikang manunulat at columnist. Hanggang sa muli, Chino!



***

Umaasa ang Converge Fiber-exers na aangat ang team sa pagkahugot kay Justine Baltazar bilang No. 1 over-all sa rookie draft. Mahusay talaga ang dating Green Archer at malaki ang magiging kontribusyon ng Kapampangan sa koponan.

Huwag lang sana matulad sa Terrafirma at sa Blackwater na ipinamimigay ang mga numero unong pick sa mga mayayamang prangkisa.