Advertisers

Advertisers

Grateful Concert Ni Gerald Santos Matindi Ang Impact; Jules Graeser Ni-represent Ang FIL-AM Community Sa 4th Of July Celebration Sa America

0 143

Advertisers

Ni Peter Ledesma

BASE sa nababasa kong reviews na pawang positibo sa 18th Anniversary Concert na “GRATEFUL” ni Gerald Santos, aba’y kumbinsido kaming maganda at grabe yung impact ng performance ni Gerald na ginawa sa sariling concert.

At marami rin ang pumuri sa maayos at magandang pagkaka-direk ni Direk Rommel Ramilo sa big concert ng matagal nang alaga sa Music Museum last June 29. Jampacked ang buong venue sa rami ng fans and supporters ni Gerald na nanood ng kanyang said concert. Bukod sa kanyang solo numbers na pinalakpakan talaga ang bawat number ni Gerald ay nagkaroon din siya ng duet sa kanyang mga special guests na sina Rey Valera, Rita Daniela at Ogie Alcasid.



As we heard mula pa sa iba’t ibang lugar galing ang mga nag-watch na suporta nila sa idol nilang si Gerald. At kung bakit Gratefu ang title ng concert ng singer and international stage play actor, well, malaki kasi ang pasasalamat ni Gerald na sa 18 years niya sa showbiz ay naging mabait sa kanya ang kapalaran niya rito na maliban sa hanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwala sa kanya ay na-penetrate rin niya ang pinakasikat na Intl. Broadway Drama Musical na Miss Saigon, kung saan ilang taon siyang gumanap ng character na “THUY” sa Theatre Royal, Plymouth United Kingdon.

Puring-puri ng mga banyaga ang performance niya rito. Isa sa unang masaya syempre sa tagumpay ni Gerald ay si Direk Rommel na isa ring businessman. Yes, lahat ng concert ni Gerald ay si Direk Rommel ang nagdi-direk at isa siya sa malaking factor kung bakit nag-iwan ng matinding impact ang Grateful Concert ng alaga dahil mahusay siya sa larangang ito. At ang edge niya sa ibang concert directors ay ibinibigay niya ang gusto ng audience. Kumbaga alam niya ang konsepto ng concert ng sikat na alaga. Saka may magic ang tandem nila ni Gerald. Ang ikahahanga mo pa, sa kabila ng intrigang pinagdaanan ng dalawa ay never nasira ang maganda nilang samahan. Kudos Gerald and Direk Rommel Ramilo.

***

MALAKI na talaga ang pangalan ni Jules Graeser sa America kung saan matagal na siyang based sa Los Angeles, California. At kilala siya hindi lang bilang recording artist- TV and event host kundi bilang businessman kung saan dalawa sa negosyo sa LA na siya ang parehong owner ay ang Prime Care USA Corporation Medical & Dental Supplies at ang Floria-Graeser Insurance Solutions.

Kaya sa rami ng clients at fans niya sa California ay hindi maikakailang kilala si Jules sa bansang ito. Kaya naman siya rin ang napiling representative ng Filipino-American Community sa USA para sa Yearly celebration ng Fourth of July na nagsisilbing kaarawan ng Amerika. At sa idinaos na Parade ay marami ang nag-join dito na pawang foreigners ang nakasama ni Jules at agaw pansin ang kanilang bonggang float, na Filipina Heritage Design by James Baker 11.



Bagay na bagay rin kay Jules ang barong outfit niya sa naturang parada. After ng Parade ay nag-perform naman si Jules at iba pang guests sa 4th of July Annual Fest sa City of Moreno Valley. At narito ang maikling pasasalamat na mensahe ni Jules bilang representative ng mga Pinoy sa US sa Fourth of July, na kanyang ipiDnost sa kanyang official Facebook Page. “What an honor to represent the Filipino-American Float at this year’s Fourth of July Celebration! Happy Birthday USA!” Na with heart and Philippines and America Flag emojis. By the way, this summer along with DOCKMASTER MIKE, famous DJ of Pacific Coast FM, Jules will be hosting the One Night Show Live of Fantastic Billboard Chat Toppings Artist like Nils, Michael Garvin, Joe Leavy, Trumpeter CTK and Heidi Tan. This will be on August 25, 2024, Sunday at the VIEW MUSIC BAR, 1431 West Knox Street Torrance.