Advertisers

Advertisers

Alice Guo, 7 pa pinaaaresto na ng Senado

0 14

Advertisers

KINALAMPAG ni Senador Risa Hontiveros si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magpakita na para sa susunod na imbestigasyon ng Senado tungkol pa rin sa iligal na POGO sa Bamban, Tarlac.

Ito ay matapos na mag-isyu ng arrest order ang Senado laban sa suspendidong alkalde matapos hindi sumipot sa hearing ng committee on women probing into illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs) noong Hulyo 10.

Ang panel head na si Hontiveros at Senate President Chiz Escudero ang pumirma para sa pag-aresto sa alkalde, kasama ang kanyang pamilya na sina Sheila Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, at Seimen Guo, pati na rin ang suspected mother na si Wen Yi Lin, ang accountant na si Nancy Gamo, at alleged authorized representative of POGOs na si Dennis Cunanan.



Ang mga kopya ng opisyal na kautusan ay ibinahagi mismo ng tanggapan ni Hontiveros sa media nitong Sabado, Hulyo 13.

Batay sa arrest order kay Guo, ang kanyang pagtanggi na humarap sa Senado ay nagdulot ng pagkaantala at pagkahadlang sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa paglabag sa human trafficking, serious illegal detention at physical abuse and torture ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon kay Hontiveros, ang nasabing kautusan kay Guo ay isa lamang sa mga hakbang upang mapanagot sila sa mga batas.

Giit ni Hontiveros, hindi mabubura ng kanilang pagtatago ang katotohanan lalo na sa mga pagsisinungaling sa pagkakakilanlan at mga kriminal na mga aktibidad ng POGO.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">