Advertisers

Advertisers

400 gov’t websites lantad sa hacking – DICT

0 14

Advertisers

HUGAS-kamay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa hacking incidents sa ilang ahensya ng gobyerno.

Ito’y matapos igiit ni DICT Secretary Ivan John Uy na kung sinu-sino na lang ang gumawa ng 400 government websites at aniya’y wala pa sila o ang kanilang ahensya ay nag-e-exist na ang mga ito.

Sinabi ito ni Uy matapos ang ilang insidente ng hacking sa websites ng ilang sangay ng pamahalaan.



Sa Pre-SONA briefing, isiniwalat ni Uy na maraming mga ahensya ng gobyerno ang gumawa ng website na tila hindi man lang isinaalang-alang ang cybersecurity.

Basta lang aniya nagpapagawa ng websites kaya nakokompromiso at madaling napapasok ng mga hacker ang mga ito.