Advertisers
HITIK sa proyekto ang Kagawaran ng Transportasyon at Riles ( DOTR ) sa darating na mga panahon. Hindi bababa sa P8.5T ang nasa linya ng mga proyekto ang binanggit ni Kalihim Jimmy Bautista sa isang balitaan. Hindi matawaran ang ibig ng kalihim / kagawaran na mapagaang ang daloy ng transportasyon sa bansa higit sa mga pangunahing lunsod sa bansa. Nabangit ng Kalihim Bautista na aabot sa P4.9B ang opportunity lost dahil sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa bansa. Sa laki ng nawawalang halaga, bumalangkas ang pamahalaan sa pangunguna ng kagawaran ng transportasyon at riles ng mga proyektong pagpapabilis ng daloy ng komersyo sa bansa. Nariyan ang proyekto ng paggamit ng iba’t – ibang uri ng transportasyon na magpapaluwag ng mga lansangan, karagdagang mga kalye, pag-aayos ng mga daungan, paliparan at marami pang iba. Sa banggit na mga proyekto, sumakay ang ilang negosyante maging ang ilang ahensya na nagpopondo tulad ng JICA at iba mamumuhunan upang isagawa ang mga proyektong tatatak sa kasaysayan ng bansa.
Sa mga proyekto ibig ng pamahalaan, iisa ang layon ang mapabilis ang komersyo para sa pakinabang ng nakakarami. Hindi minamadali ang mga proyekto at sinisiguro ang pakinabang ng bansa kahit lumagpas ang panahon ng paggawa sa termino ng kasalukuyang pangulo. Ang kagandahan sa mga proyekto, una ang kagalingan ng bayan at kahit sino ang nagsimula ipagpapatuloy ang paggawa higit maganda ang dulot sa bayan. Sa proyekto talo ang bansa, walang pag-aatubili na ititigil higit kung may nasilip na anomalya. May tatlong proyekto sa ilalim ng nagdaang administrasyon ang tuwirang ‘di itutuloy dala ng ‘di maipaliwanag na kawalan sa bansa. Sa totoo pa rin, nawalan ang pamahalaan ng higit na P1B na bayarin ni Mang Juan.
Hiindi tutuunan ang mga maanomalyang proyekto ng dating pamahalaan sa halip ibig tuunan ang ganda ng balakin higit sa paglilinis at pag-aayos ng Manila International Airport (MIA). Sa pagtutuon sa pag-aayos ng MIA, nabatid na ang nanalong bidder ay ang San Miguel Corp., na ibig pagaangin ang kilos ng tao sa paliparan ng bansa. Tutuunan ang pagpapalapad at pagpapahaba ng mga runway sa MIA, isasaayos ang mga maayos na paglabas ng mga bagahe at maging ang daloy ng tao sa mismong paliparan. Hindi ilalayo ang gawang mga daluyan ng mga sasakyan palabas ng paliparan. Ibig makita ng kagawaran ang magaan na makakalabas sa MIA ang mga pasahero sa pagkakaroon ng mga daluyan pasakay sa mga bagon ng tren palabas ng paliparan. At nariyan na aayusin ang mga Hangars o ilipat sa ibang lugar sa halip kasalukuyang tinitingnan. Sa proyektong bangit, matitiyak na mapahaba’t magpapalapad ang paliparan at maiwasan ang aksidente.
Sa likod ng pagbabago sa MIA, isasalin sa SMC ang pagpapatakbo ng paliparan hindi upang mawalan ng trabaho ang mga kawani ng paliparan. Sa pagsalin ng pangangasiwa sa paliparan mula MIA Authority sa SMC, bibigyan ng pakete ang mga kawaning ibig ng magtapos ng paglilingkod. Samantala, sa mga kawaning ibig magpatuloy ng serbisyo bibigyan pagkakataon higit kung may kagalingan ang paglilingkod sa paliparan. Tinitiyak na hindi uuwing luhaan ang mga kawani dahil may pakete sa ibig bumitaw at kukunin ang ibig magpatuloy ng serbisyo.
Sa pagbabago sa MIA inaasahan ang maraming usapin na karaniwang pula’ sa paliparan ng bansa, at tunay na tutukan at bibigyan pansin. Sa pagpasok ng bagong mamamahala sa paliparan, umaasa na maayos ang imahe ng bansa na aakit sa maraming dayo na pupunta sa bansa. Hindi usapin ang likas ganda ng bansa na kaakit-akit sa mga dayuhan. Sino ang hindi mapapaWow sa Panglao, Boracay, Coron at El Nido. At ang mga mababait na lahing Pinoy saan man sa bansa.
Base sa pagsasaliksik, magtatatlong doble ang gagamit ng paliparan mula sa 9 milyon tungo sa 30 milyon, at ito’y paglalarawan na paglakas ng turismo sa bansa. At ito’y tuwirang bahagi sa paglakas ng ekonomiya ng bansa. Sa paghahanda ng paglago ng manlalakbay, asahan na kasunod ang pagsasaayos at pagbubukas ng paliparan sa Bulacan na halos karugtong ng MIA na higit na magpapalobo ng bilang ng turismo sa bansa. Sa pagdami ng manlalakbay, sinisiguro na makakasabay ang maliliit na paliparan sa bansa. Nakaabang ang mga pag-aayos ng paliparan sa mga lalawigan na titiyak sa kaginhawahan ng mga manlalakbay upang makasabay sa dami ng darating na mga turista sa bansa.
Sa mga proyektong nakalinya, hindi nagdalawang isip ang pamahalaan na pasukin ang magastos ngunit napapanahong proyekto. Hindi matatawaran ang pangangailangan sa mga nakalinyang proyekto higit sa pagharap sa mapaghamong pagbabago sa mundo. Ang pagharap sa makabagong hamon higit sa panahon na mataas ang kompetisyon sa anumang larangan ang siyang pinaghahandaan ng pamahalaan kahit lumagpas ang pagtatayo ng mga proyekto sa termino ng pangulo. Maganda ang tunguhin higit sa pakinabang ng nakakarami na siyang dapat mangyari ‘di lang sa kasalukuyan maging sa kinabukasan. Kapuri-puri ang ganitong hakbang higit ang bayan ang makikinabang sa kinabukasan.
Sa totoo lang, magaganda ang mga proyektong nakahanay at nakikitaan ng potensyal na magpapalakas sa ekonomiya ng bansa. May kagalingan ang mga balakin ngunit at ang inaasahan na ‘di mabahiran ng kurapsyon ang mga proyekto ng masigurong ito’y para sa mga Pinoy. Ang paglakip ng maayos na programa ang mga napapanahong proyekto ng masiguro na gugulong o tatakbo ang pag-unlad na nais. Ang malinaw at bukas na negosasyon sa mga proyektong may malaking halaga ay isang legasiya ng pamahalaan. At ito ang mag-aalis sa pagdududa ng bayan na may kumita sa proyektong isasagawa. Ang kagandahan ng mga proyekto, madadama ng bayan ang ganda higit kung nagagawa ang ibig sa maiksing panahon tulad ng paglalakbay. Sa totoo lang, hindi lang turismo ang lalakas o magpapalakas ng kabuhayan ng bansa dahil bibilis ang daloy ng komersyo sa bansa higit kung matatauhan ng tama ang mga paliparan maging ang mga lansangan.
Sa mga opisyales ng bayan, iwaksi na ang pansariling kagalingan at ipagpatuloy ang kaunlarang dama ng bayan. Ituloy ang pag-aayos ng mga lansangan na magdadala ng komersyo sa mga pamilihan ng mapabilis ang takbo nito na magpapababa sa halaga ng bilihin. Jun Singhot, patutukan ang ibang larangan ng kabuhayan ng bumaba ang gastusin ng bayan. Isangkot ang ibang kalihim sa napapanahong pagbabago at serbisyong bayan. Happy Birthday Eman!
Maraming Salamat po!!!!