Advertisers

Advertisers

Jessy open na makatrabaho muli ang ex-bf na si JM

0 15

Advertisers

Ni Jovi Lloza

NGAYON nga raw na happily married na si Jessy Mendiola sa mister na TV host actor na si Luis Manzano, masasabi na buo na ang kanilang pamilya dahil may isa na silang anak na si Rossie or Peanut.

May mga bali balita na na-miss at gusto na muling makaarte sa harap ng kamera si Jessy.



Sa panayam kay Jessy ay natanong sa kanya kung ready na ba ito to work with her ex na si JM De Guzman na napapabalita na tila masaya na sa piling ng gf na si Donnalyn Bartolome.

At dahil may kanya-kanya na silang buhay ay bukas na si Jessy na makatrabaho sa isang project ang ex bf na si JM.

For sure nga raw na kampante na si Luis na makabalik na ang kanyang How How sa limelight.

If ever na makasama raw ni Jessy sa project si JM ay trabaho nga lang daw ‘yun.

***



SA latest post ng Tatler Magazine Phils sa kanilang IG, ang latest cover nila ay si Bea Alonzo.

Ni-like raw ito ni Dominic sa IG ng Tatler at nang balikan ng netizen ang like ni Dominic ay kanya itong binawi.

At di naman daw sa IG ng kanyang ex gf na si Bea siya nag-like kungdi sa Tatler.

Pero wala na nga sa name list ang namesung ni Dominic kaya sabi ng netizen na like nito sa cover photo ni Bea sa Tatler ay binawi ni Dominic.

Samantala, makikita sa post ni Dominic ang pagbati at pag congratulate nito sa mga kaibigang sina Ryan Bang at sa fiancee nito, Zenaib Harake na engaged na sa fiancee na si Bobby Rey Parks.

Kaya ask ng netizens kung kailan naman daw kaya mako-congratulate si Dominic if ever engaged na ito.