Advertisers

Advertisers

VP Sara ‘di dadalo sa 3rd SONA ni PBBM…‘I’M DESIGNATED SURVIVOR!’

0 21

Advertisers

HINDI isang biro at dapat na seryosohin ang pagtiyak sa segu-ridad ni President Ferdinand Marcos, Jr. sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 22 (Lunes) ng taon.

Ito ang reaksiyon ni Manila Representative Joel Chua sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi ito dadalo sa SONA, ‘tsaka idinugtong ang “I am appointing myself as the Designated Survivor.”

Sinabi ni Chua na walang kapangyarihan si Duterte upang italaga ang kanyang sarili bilang “designated survivor” dahil sa ilalim ng 1987 Constitution, ang Bise Presidente ang kasunod ng Pangulo sa line of succession.



“I appreciate VP Sara Duterte’s humor when she said, ‘I’m appointing myself as the Designated Survivor’ when she said she is not attending the joint session of Congress for the Third SONA… However, given current political tensions, such a joke is not in good taste because the security of the President of the Philippines is not a joking or laughing matter,” ani Chua.