Advertisers

Advertisers

Tulak, arestado sa baril at higit P170K shabu sa Malabon

0 17

Advertisers

Kulong ang isang tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng baril at P170K halaga ng shabu ng Malabon PNP sa buy bust operation sa Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation  kay alyas ‘Wangbu’, 43, ng Brgy. Catmon nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa  pagbebenta nito ng shabu.



  

Nakumpiska sa suspek ang nasa 25 grams ng shabu na may standard drug price value na P170,000.00, isang caliber .45 pistol na may isang magazine na kargado ng anim na bala at buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">