Advertisers

Advertisers

Luis niresbakan ang basher na pumuna sa paraan ng pagkarga ni Jessy sa anak na si Peanut; Jennylyn at Dennis nag-iipon ng mga bahay

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAGPAPAGAWA ng bagong bahay ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kamakailan ay pinost ni Jen ang break ground ng kanilang new home.



In an Instagram post, the Ultimate Star shared photos of her with her husband wearing hard hats and holding shovels during the groundbreaking ceremony of their new place.

“Family HO-me soon!” sey ng aktres.

Ang daming nag-congratulate sa

Kapuso couple sa comments section ng socmed ni Jen.

Sheena Halili, “Apaka laki mare ha… congratulations.”



“Wow congrats @dennistrillo @mercadojenny happy for you guys!” sey naman ng broadcast journalist na si Karen Davila.

Aside sa bagong pinagagawang bahay ng mag-asawa, may rest house na sila sa mountainous area ng Tanay Rizal, which they call their “mountain hideaway.”

Meron din silang property sa Tate.

Kinasal sina Dennis at Jen last November 2021.

May anak na sila, si Dylan na pinanganak last 2022.

The actor has a son named Calix Andreas with former beauty queen Carlene Aguilar, while Jen has a child named Alex Jazz with Patrick Garcia.

***

SINAGOT ni Luis Manzano ang sumita sa pagkarga ni Jessy Mendiola kay baby Peanut.

Binahagi ni Jessy ang ilang photos at anak nilang si baby Rosie.

Ang caption ng aktres, “My (heart). Truly grateful for the gift of family. Thank you, Lord. Sobrang saya ng puso ko. I love you both so so much @luckymanzano and @isabellarosemanzano.”

Napuna ng isang netizen ang pagkarga ni Jessy kay Baby Peanut.

Nagkomento ito at nilektyuran si Jessy kung paano ang tamang pagkarga ng anak.

“Jess, don’t carry her like that. She’s going to have a bowleg.”

Hindi yata nagustuhan ni Luis ang komento ng netizen kaya sinagot niya ito.

“pag ganyan – itulog niyo na lang po,” iritableng reply ng TV host.

Wala namang masama sa sinabi ng netizen.

Tama naman na hindi dapat sinasaklay sa tagiliran niya ang pagkarga sa anak dahil pag nakaugalian niya ay maaapektuhan ang paglakad ng baby.